18/09/2018
“Bakit merong nagiging successful, bakit merong hindi?”
Tanong mo din ba ‘yan?
Sagot… Mentalidad! Sa english mindset.
Ibang-iba ang metalidad ng mga nagiging successful at sa mga unsuccessful.
Yun yung pagusapan natin today…
“Mga Mindset Na Hihila Sa’yo Ng Pababa Ng Pababa”
Kontento Masyado Mindset - Yung mga nagiging successful masaya at greatful sila sa mga naa-achieve nila, pero hindi sila nagiging kontento na lang.
Alam nila na palaging merong pwedeng matutunan na bago. Palaging merong exciting na achievements na pwedeng abutin.
Kaya palaging nage-evolve ang vision nila, palaging naga-adjust ang mga pangarap nila.
Ang madalas nilang tanong sa sarili nila ay…
“Ano pa kaya ang pwede kong i-improve?”
“Ano pa kaya ang pwede kong matutunang bago?”
“Ano kayang pwedeng gawin para mas makatulong sako sa iba?”
“Ano kayang pwede kong gawin para lumago pa lalo ang negsyo ko?”
Ganito naman yung mga kontento masyasdo mindset para makita mo yung deperensya…
“Kuntento na ko pag kumikita na ko ng part time income”
“Kuntento na ko kung nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw.”
“Kuntento na ko pag nabawi ko yung pinuhunan ko sa business ko.”
Pag ganito ang mindset mo, nililimitahan mo na kagad ang sarili mo.
Hindi mo makukuha yung talagang deserve mo at yung talagang para sa’yo.
Ang challenge ko sa’yo ay maging BIG thinker ka. Yung goal mo ngayon what if triplehin mo yan?
Ano kaya kung gawin mong times ten yung goal mo? Hindi mo man ma-hit yung sobrang taas na goal na yun at least mas mataas naman siguro ang maa-achieve mo kumpara sa mababang goal mo nung una.
Reklamo Mindset - Tatapatin na kagad kita. Hindi magkakaron ng pagbabago sa buhay mo dahil bumili ka ng Membership fee or dahil lang naglabas ka ng P6,980 or kahit magkano pa.
Yung perang pinambayad mo para lang yun masabi mo na commited kang may gawin at baguhin ang sitwasyon mo.
Isa hakbang palang yun.
Pag nagbayad ka sa GYM, hindi naman automatic na maganda kagad ang katawan mo.
Kaylangan mong gumising araw-araw,
kaylangan mong mag-workout ng tuloy-tuloy,
kaylangan mong magkakalyo,
kaylangan mong pagpawisan,
kaylangan mong labanan ang katamaran
…bago mo makuha yung resultang gusto mo.
At hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi kasama lahat yan sa magandang katawan na gusto mo.
Sa business parehas din. Hindi yung binayad mo ang magpapayaman sa'yo. Yung gagawin mo ng dere-derecho.
Kaylangan mong gumising araw-araw,
kaylangan mong trabahuhin ang negosyo mo ng tuloy-tuloy,
kaylangan mong magkamali,
kaylangan mong magaral,
kaylangan mong mag-solve ng mga challenges.
At hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi kasama lahat yan sa magandang future na gusto mo.
Pera-Pera Mindset - Kung nag-business tapos sa pera ka naka-focus, walang mangyayari sayo. Yung pera sa business ay end result lamang.
Nag start ako sa business pero lagi akong uhaw matuto.
Lahat bg challenges at problems na na-experience ko tinitignan ko yun as opportunity to learn.
Alam ko na pag nasolve ko yung kasalukuyang problema ko, meron nanaman akong matututunan na bago. Pag na-solve ko yung problema na yun automatic kasunod din nun ay yung income.
Pag may natutunan akong bago, ibig sabihin nago-grow ako.
At pag alam mong naggo-grow ka, dun nadadagdagan ang kasiyahan mo.
Wag kang magfocus sa pera, susunod naman kasi yun. Ang pinaka valuable na makukuha mo sa pagiging business owner ay yung mga experiences at yung mga matututunan mong bago.
Tamad Mindset - Success is work hard and commitment. Kung pumasok ka sa business at ang goal mo ay para wala kang gawin, gusto ko lang ipaalala na time freedome comes after hard work and commitment.
Hindi yun parang magic na bigla na lang mangyayari. Kaylangan magsipag ka muna bago ka umani.
Kaya konti lang ang nagnenegosyo at kaya konti lang ang yumayaman kasi konti lang din ang gustong magsipag.
Walang naging successful na tamad. Madalas mas konti pa ang tinutulog ng mga successful na tao kumpara sa mga regular na tao. Pero OK lang yun sa kanila kasi alam naman nila na may aanihin ang pagsasakripisyo nila.
“To be successful, you must be willing to do the things today others won’t do in order to have the things tomorrow others won’t have.”
— Les Brown