K.A PIO Pharmacy

K.A PIO Pharmacy It is much beyond prescriptions ❤️

Thanks sa aking masisipag na staff 😍Konting kembot pa para sa ekonomiya! Leaniña Piñero
04/09/2025

Thanks sa aking masisipag na staff 😍
Konting kembot pa para sa ekonomiya!
Leaniña Piñero

🙏🏻❤️
07/08/2025

🙏🏻❤️

07/08/2025

03/08/2025

Whats new mga KA PIO… ❤️
Excited to share our new business inclusion ❤️ Leaniña Piñero Avah Bautro

Whats new mga KA PIO… ❤️Excited to share our new business inclusion ❤️ Leaniña Piñero Avah Bautro
03/08/2025

Whats new mga KA PIO… ❤️
Excited to share our new business inclusion ❤️ Leaniña Piñero Avah Bautro

17/06/2025

MAGANDANG GABI KABOTIKA

May dalawang seasons lang na kilala sa Pilipinas, ang wet and dry seasons. Ang summer ay tumatagal mula Marso hanggang Mayo, at sinusundan naman ito ng tag-ulan sa Hunyo. Sa panahon ngayon, dahil na rin sa climate change, ang rainy season sa Philippines ay tumatagal hanggang Setyembre, minsan mas matagal pa. Kilala din ang panahon na ito bilang typhoon season dahil sa buwan na ito madalas dalawin ang bansa ng malalakas na bagyo.

Tuwing sasapit ang tag-ulan, karaniwang dumarami rin ang bilang ng mga may sakit. Isa sa mga pangkaraniwang rainy season sickness ang trangkaso, na nagsisimula bilang ubo, sipon, at lagnat.

Nguni’t hindi lang iyan ang sakit na nararanasan ng maraming Pilipino tuwing rainy season. Narito ang iba’t-ibang sakit na kumakalat sa bansa kapag tag-ulan. Alamin din kung paano maiiwasan ang mga ito.

Trangkaso

Ang trangkaso o influenza, na tinatawag din na flu, ay nagsisimula bilang isang respiratory tract infection dala ng virus. Kahit sino ay puwedeng dapuan ng sakit na ito, pero may mga taong mas madaling tamaan ng flu lalo na pagsapit ng rainy days:

Mga taong mahina ang immune system o panlaban sa sakit
Mga taong 65 years old pataas
Mga batang 5 years old pababa
Mga taong obese o mataba
Mga buntis o kakapanganak lang na nanay
Mga taong may chronic illnesses o pangmatagalang sakit tulad ng asthma, sakit sa puso, diabetes, sakit sa atay o sa bato

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso lalo na pag umuulan, alamin kung ikaw ay at risk. Huwag magbabasa sa ulan at umiwas sa mga taong may sipon o ubo. Kumunsulta sa doktor at gawin ang nararapat upang mapalakas ang resistensya laban sa mga virus.

Isang mabisang pampalakas ng katawan laban sa mga viruses gaya ng nagdadala ng trangkaso ay ang pag-inom ng ascorbic acid o vitamin C, at iba pang mga vitamins. Ugaliing uminom ng hanggang 8 baso ng tubig araw-araw, kumain ng wasto, at matulog ng tama.

Kung ikaw ay nakakaramdam ng sintomas ng trangkaso, kumunsulta sa doktor. Maaari ding uminom ng gamot para sa lagnat at pananakit ng katawan tulad ng ibuprofen+paracetamol. Puwede ka ring bigyan ng doktor ng reseta para sa mga antiviral na gamot.

Dengue

Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ay ang pinanggagalingan ng sakit na dengue. Sa araw kumakagat ang ganitong uri ng lamok imbes na sa gabi. Nangingitlog sila sa malinaw na stagnant water. Dumadami sila kapag madalas ang rainfall dahil maraming puwedeng pangitlugan.

Ilan sa mga sintomas ng dengue ang mga ito:

Lagnat na tumatagal mula 2 araw hanggang isang linggo
Pananakit ng katawan at pagkaramdam ng panghihina
Pananakit sa likod ng mga mata
Pagsusuka
Pananakit sa may puson
Pagkakaroon ng rashes sa balat
Pagdurugo ng ilong lalo na pag pawala na ang lagnat
Maitim na dumi

Walang gamot para sa dengue. Ginagamot lamang ng doktor kung ano ang mga sintomas na naobserbahan sa pasyente. Kung makaranas ng mga sintomas na ito, pumunta kaagad sa doktor. Ang mga nagkakaroon ng dengue ay kailangang manatili sa ospital hanggang mawala ang sakit na ito.

Upang maiwasan ang dengue, iwasan ang malalamok na lugar. Kung may mga lugar na puwedeng pamahayan at pangitlugan ng mga lamok sa inyong bakuran, linisin ang mga ito at tanggalin ang tubig. Takpan ang mga basurahan upang hindi mapuno ng tubig ulan. Gumamit ng mga window screen upang hindi pasukin ng mga lamok ang bahay.

Leptospirosis

Karaniwang nagkakaroon ng kaso ng leptospirosis sa mga lugar na binabaha. Ang pinagmumulan nito ay ang leptospira bacteria na nabubuhay sa mga daga at iba pang hayop. Maaaring maimpeksyon ng ganitong bacteria ang taong may sugat sa may paa kung lumusong ito sa baha, o kaya’y tumapak sa lupa o mga halaman at damo na inihian ng hayop na may leptospira bacteria.

Maaaring tumagal ng hanggang isang linggo o higit pa bago makaramdam ng sintomas ang taong naimpeksyon ng leptospira bacteria. Mapanganib ang sakit na ito at maaaring magdulot ng kamatayan.

Narito ang mga sintomas ng leptospirosis:

Lagnat
Pananakit ng katawan at ulo
Pamumula ng mata
Pananakit sa gawing sakong
Kung malala na ang sakit, maaaring makitaan ng paninilaw, dark-colored na ihi, at light-colored na dumi. Puwede ring mahirapan sa pag-ihi at makaramdam ng lubhang pananakit ng ulo. Sanhi ito ng paninira ng bacteria sa atay, kidneys, o utak.

Ang taong may mga sintomas ng leptospirosis ay dapat dalhin kaagad sa ospital upang maiwasan ang paglala nito. Maaaring resetahan ka ng doktor ng antibiotic o antibacterial upang mapigilan ang leptospira.

Upang makaiwas sa leptospirosis, gawin ang mga sumusunod:

Umiwas sa paglusong sa baha. Kundi maiwasan, magsuot ng waterproof na bota.
Tanggalin ang mga naipong tubig ulan sa kapaligiran.
Linisin ang bahay at bakuran upang hindi pamahayan ng mga daga.

YOUR CARING M.D.,
S.N.ALONZO

🤭
12/06/2025

🤭

What’s up mga Ka Pio!Back to School freebies! For every Kids Vitamins purchased! 😍Grab one now!   Leaniña Piñero Avah Ba...
12/06/2025

What’s up mga Ka Pio!
Back to School freebies!
For every Kids Vitamins purchased! 😍
Grab one now!


Leaniña Piñero Avah Bautro

🙏🏻 forever greatful ❤️
07/06/2025

🙏🏻 forever greatful ❤️

Address

STA RITA KALSADA
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 7am - 9pm
Tuesday 7am - 9pm
Wednesday 7am - 9pm
Thursday 7am - 9pm
Friday 7am - 9pm
Saturday 7am - 9pm
Sunday 1pm - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when K.A PIO Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram