Sitio Alulod

Sitio Alulod ..a page for us ALULODIANS. .commentssuggestionsinteresting pictureseventsviolent reactions

JEEPNEY & TRICYCLE TERMINAL LOADING AREA BAUAN PUBLIC MARKET
21/05/2020

JEEPNEY & TRICYCLE TERMINAL LOADING AREA BAUAN PUBLIC MARKET

Ang Patient No. 5 ay isang health worker sa isang Non-Governmental Organization na masigasig ring tumutulong sa pagsugpo...
26/04/2020

Ang Patient No. 5 ay isang health worker sa isang Non-Governmental Organization na masigasig ring tumutulong sa pagsugpo ng COVID-19. Bilang tawag ng tungkulin at pagprotekta sa mga kapamilya, bihira siyang mamalagi sa kanyang barangay sa panahon ng krisis na ito. Kasalukuyan siyang asymptomatic at naka isolate.

Batid nating buwis-buhay ang ginagawa ng mga health workers at mga frontliners laban sa COVID-19. Kaya hinihingi po na huwag sanang makaranas ang ating mga confirmed cases at lahat ng mga health workers at frontliners ng anumang uri ng diskriminasyon. Sila ang mga modernong bayani na napakalaki ng ambag upang magtagumpay tayo sa laban na ito.

Huwag tayong pang hinaan ng loob at manatiling positibo. Patuloy na pagpalain Tayo Nawa ng Panginoon. Patuloy na biyaya para sa ating Bayan!

Ctto bauan mio

14/04/2020

Magandang umaga po.
Paalala po muli sa ating mga opisyales ng barangay.

HINDI po dapat nagbibigay ng Quarantine Pass sa mga sumusunod:
1. Senior citizen (60 years old pataas)
2. Menor de edad (minors)
3. Mga taong may sakit o ano mang medical condition
4. Mga nagdadalang tao (pregnant women)

Yan po ay nasasaad sa ating ipinatutupad na kautusan (EO 2020-07).
Maraming salamat po.

Mapagpalang araw sa ating mga Kababayan! Ngayong araw na ito, kinukumpirma po natin ang dalawang (2) bagong kaso ng COVI...
13/04/2020

Mapagpalang araw sa ating mga Kababayan!

Ngayong araw na ito, kinukumpirma po natin ang dalawang (2) bagong kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Bauan.

Ang Patient No. 3 po ay ang ama ng Patient No. 1, senior citizen at kasalukuyang asymptomatic. Siya po ay ipapadala sa ospital upang mas mamonitor ang kanyang kalusugan.

Ang Patients No. 4 po ay walang travel history at walang direct contact sa positive COVID-19 patient. Nagsimula po siyang makaramdam ng mga sintomas simula nang manggaling sa isang pamilihan. Siya po ay kasalukuyang naka home quarantine.

Bilang proteksyon sa ating mga kababayan, hinihiling po na tumalima sa β€œSTAY AT HOME” policy at magsuot ng face mask ang mga taong pinapayagang lumabas.

Kasalukuyan pong ginagawa ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.

Patuloy pong pagdarasal ang sandigan nating lahat sa mabilis nilang paggaling at pagtigil ng paglaganap ng sakit sa ating Bayan at sa buong mundo.

COVID-19 Update: as of April 12, 2020 | 4:00pm
12/04/2020

COVID-19 Update: as of April 12, 2020 | 4:00pm

12/04/2020

Effective April 12, 2020, road in front of the Quarantine Facility of Bauan, Batangas (former Bejasa Hospital) shall be closed for traffic for vehicles except trucks, government and emergency vehicles.

Those going to Bauan Town Proper coming from Manghinao proper shall take the La Correa St. (PPR Gasoline Station). Those coming from Bauan town proper going to Manghinao Proper passing through J.P. Rizal Street shall turn left to P. Munoz Street (Frank’s Burger) and turn right to Los Remedios St. (Sandoval Building).

Thank you for your cooperation.

11/04/2020

Nais po nating ipabatid sa lahat na si Mayor Ryanh po sa kagustuhang matulungan ang pangangailan ng ilan nating mga kababayan (hindi man po malahat) ay umaangkat o bumibili na po siya ng nahuhuling isda mula sa ilan natin kababayan sa baybay dagat. PERSONAL NA TULONG na rin po ito sa ilan nating mangingisda para hindi na maibenta o mailabas pa sa Bayan ng Bauan ang kanilang huling isda. Ito ay ginawa nya simula ng magkaroon tayo ng ECQ at pagtugon sa ilang higit na nangangailan. Dagdag din po ito sa ipinamamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Bauan. Ang pamamahaging ginagawa po niya kapag may huli ay binabahagi at pinadadala sa mga Barangays.

Kung sakali man po hindi kayo naabutan ay ipagpaumanhin po ninyo sapagkat hindi po makakasapat na mabigyan lahat. Ayaw man po ipabatid o ipaalam itong ginagawa nyang pamamahagi ay tugon na rin po ito sa mga katunungan ng ilan.

Muli po ang hiling namin ang inyong pang UNAWA, DASAL at PAGKAKAISA.

MAG INGAT PO TAYONG LAHAT.

Maraming salamat po.

11/04/2020

Magandang araw po sa ating mga kababayan.

Nais lamang po namin ipagbigay sa ating mga barangay lalo na po yong mga hindi pa nabibigyan ng kahustuhan para sa 1st wave ng ating ayuda mula sa PAMAHALAANG BAYAN NG BAUAN (na kinabibilangan ng MANGHINAO PROPER, SAN ROQUE, INICBULAN, SINALA, GULIBAY, SAN MIGUEL, STA. MARIA, SAN PEDRO, POBLACION III) humihingi po kami sa inyo ng paumanhin sa pagkaantala ng inyong mga ayuda sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa po dumadating ang ating mga order na de lata. Kaya po minarapat natin na ang ating ibigay na tulong ay FRESH WHOLE CHICKEN kasama ng 5 KILOS RICE.

Lahat po ng pamamaraan ay ginagawa ng ating LGU para po matugunan ang tulong na relief goods para sa ating mga mamamayan. Humihiling po kami sa inyong lahat ng ating malawak na pang-unawa.

Marami pong salamat.

Nag sakrispisyo si Jesus para maligtas ka. Maraming Salamat Panginoong Hesus. πŸ™πŸ™πŸ’–
10/04/2020

Nag sakrispisyo si Jesus para maligtas ka.
Maraming Salamat Panginoong Hesus. πŸ™πŸ™πŸ’–

Address

Sitio Alulod, Bukal, Brgy. Manghinao Proper
Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sitio Alulod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram