
29/08/2025
Taos-pusong pasasalamat sa mga g**o at mga magulang na dumalo at nakiisa sa makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Ang inyong suporta at pakikilahok ay nagbigay buhay sa ating selebrasyon at nagpatunay sa ating pagmamahal sa ating wika at kultura.
Higit sa lahat, ang programang ito ay para sa mga bata kung saan sila ay naglaro, nagsayaw, at naaliw sa musika. Ang kanilang partisipasyon ay hindi lamang nagpakita ng kanilang talento at kakayahan kundi pati na rin ng kanilang pagmamahal sa ating wika at kultura.