01/02/2025
Matagumpay na Naisagawa ang Kalinisan Day at Selebrasyon ng National Zero Waste Month sa Barangay Nibaliw Sur!
🎉 Mabuhay ang Barangay Nibaliw Sur! 🎉
Isang malaking tagumpay ang pagdiriwang natin ng Kalinisan Day kahapon Enero 31, 2025, na sabay ring pagtatapos ng National Zero Waste Month! Lubos ang pasasalamat namin sa aktibong pakikilahok ng ating Kap Johnny Junio , Barangay Council, BHW, BPW's, Barangay Tanod, Utilities, at sa lahat ng mga residente ng ating barangay.
Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, naisagawa natin ang paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating komunidad. Ang "TAPAT KO, GILID KO, LIKOD ng Bahay Ko, LINISAN KO!!" ay naging gabay sa ating pagkilos tungo sa isang mas malinis at mas maayos na Barangay Nibaliw Sur.
Maraming salamat sa inyong lahat! Patuloy nating pangalagaan ang ating kapaligiran at sama-samang itaguyod ang isang malinis at maayos na barangay para sa ating lahat. Mabuhay tayong lahat!