
25/03/2022
Because of the full implementation of EO 155, which decreased (and in some cases, further decreased) the prices of quality medications, the government will be needing our help in making sure that the changes will be felt by the people. The Department of Health is inviting you to attend the forum to know more about the changes and how to make sure they are implemented. Register now!
Magandang araw sa inyong lahat!
Malugod namin kayong inaanyayahan na dumalo sa ika-15 Policy Dialogue on Universal Healthcare and Access to Medicines o mas kilala sa tawag na Patient Forum. Sa darating na Marso 30 (Miyerkules), mula alas 9 hanggang alas 12 ng hapon.
Ang nasabing forum ay may temang “Gamot Para sa Lahat, Siguruhing Sasapat” upang bigyang diin ang importansya ng pagtiyak na abot-kamay ng Pilipino ang mga dekalidad at abot-kayang mga gamot sa gitna ng pandemya.
Ilan sa mga paksa na matututunan sa dayalogo ay ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 Management at Vaccination Programs, maging ang mga ginagawang hakbang ng Kagawaran ng Kalusugan at ng pribadong sector upang pagbutihin ang access sa sapat na suplay ng mga gamot. Makikita sa social media card ang mga detalye ng mga paksa na tatalakayin sa nasabing
dayalogo.
Mag-rehistro gamit ang QR code na nasa ibaba at sabay-sabay tayong makilahok at matuto sa dayalogo.
Tandaan na kailangan ang ating tulong at partisipasyon sa pagsisiguro na ang mga mura at mabisang gamot, siguradong sa masa ay naipaaabot.