27/10/2022
Good news po ulit, mga ka-Farmacia!
Dahil sa inyong pagtangkilik sa ating nakaraang mobile laboratory noong August, magkakaroon po ulit tayo ng isa pang schedule para sa ✨MOBILE LABORATORY✨ ngayong NOVEMBER 27, araw ng Linggo mula 5AM hanggang 10AM sa Mamplasan Basketball Court!
Sa ating DIAGNOSTIC PACKAGE na PHP 340, kasama na ang mga sumusunod na tests:
✅ Fasting Blood Sugar or FBS (para maiwasan natin ang diabetes)
✅ Total Cholesterol (para iwas sa mga kung ano mang maaaring maging sakit sa puso)
✅ Blood Urea Nitrogen or BUN (para matest ang ating kidney function)
✅ Uric Acid (para maiwasan ang gout at acute arthritis)
✅ Complete Blood Count or CBC (para iwas sa mga sakit sa dugo tulad ng anemia o leukemia)
✅ SGPT (para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa atay tulad ng hepatitis at liver cirrhosis)
Katumbas na ito ng MAGIC 6, na may kasama pang Urinalysis at Electrocardiogram (ECG). Kung nais nyo naman ay mas kumpleto o kung MAGIC 12, magdadagdag lamang po tayo nang kaunti para sa mga sumusunod:
✅ Triglycerides, HDL & LDL (Good and Bad Cholesterol) - PHP 150
✅ Creatinine (Kidney function) - PHP 150
✅ SGOT (Liver function, heart muscle test) - PHP 150
✅ Electrolytes (Sodium, Potassium & Chloride) - PHP 250
Bukod sa PHP 340 na MAGIC 6 at PHP 1,040 na MAGIC 12, pwede rin nating ipagawa ang mga sumusunod na additional tests:
✅ Hepatitis B-Antigen – PHP 150
✅ Prostatic Specific Antigen (PSA Screening/Qualitative - for prostate cancer) – PHP 800
✅ Blood Typing with RH – PHP 150
✅ HBa1C (for confirmatory of Diabetes Mellitus) – PHP 300
✅ Thyroid Profile (T3, T4, TSH) – PHP 800
✅ TPAG (to determine nutritional status, help diagnose liver & kidney disorders as other diseases) – PHP 200
✅ Chest X-Ray (to detect possible lung diseases) – PHP 150
Kung nais po nating magpalista, ito po ang mga paalala:
🕖 8hrs fasting
✅ Maghanda ng urine sample
✅ NO DOWNPAYMENT na po tayo ngayon, maaari na po tayong magpalista sa Farmacia ni Dok Mamplasan.
🩺 Ang free consultation/interpretation of results ni Dok ay gaganapin po sa DECEMBER 5, LUNES.
Para sa pagpapalista o para sa inyong mga katanungan, magmessage lamang po sa aming page o kaya naman ay magtext o tumawag sa 0991 461 6821.
Kita kits, mga ka-Farmacia! ❤️