21/01/2026
Bagong taon, bagong pag-asa! ✨
Isinasagawa ng Biñan City Health Office II ang isang Medical at Dental Mission para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Biñan Component City Police Station Page, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa pantay at makataong serbisyong pangkalusugan.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan kay PLTCOL Allan Reginald L. Basiya, katuwang ang mga masisipag at dedikadong pulis ng Biñan City Police Station, upang masiguro ang maayos, ligtas, at episyenteng pagbibigay ng serbisyong medikal at dental.
Sa tulong at walang sawang suporta ng ating butihing Mayor GEL Alonte, Serbisyong Arman - Atty. Arman Dimaguila, Dada Reyes at Gender and Development Office - City of Biñan sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang malasakit, pag-asa, at serbisyong may puso para sa bawat Biñanense. 💙