12/01/2026
Sa oras ng pagpanaw, napakaraming kailangang asikasuhin sa napakaikling panahon.
Para sa maraming pamilya, first time nila gagamit ng viewing chapel, kaya madalas na maitanong:
“Ano ba ang mangyayari pag dinala na sa chapel?”
“Ano ba ang aasahan namin doon?”
Gusto naming tulungan kayong makita ang simple at mahinahong daloy kapag sa Lighthouse Memorial Chapel ginanap ang lamay.
1. Pagdating sa Viewing Chapel
Pagdating ng labi mula sa funeral home, sasalubungin kayo ng aming staff at ihahatid sa napiling viewing chapel:
Ipapakita ang viewing room at family room
Tutulungan kayo sa basic setup (tables and chairs).
2. Ang Viewing Room
Dito po mismo ilalagay ang casket ng mahal sa buhay, at dito tatanggap ng mga bisita.
Sa Lighthouse viewing rooms:
🙏Maluwag (spacious) ang loob – may maayos na aisle at seating
🙏Air-conditioned – para komportable ang mga bisita kahit mahaba ang oras
🙏Maliwanag at malinis – may tahimik, maaliwalas na atmosphere
🙏May lugar para bulaklak, kandila, at larawan kung nais ng pamilya
Layunin namin na maging payapa at magalang ang pakiramdam sa loob—isang lugar na angkop sa pagdarasal at pag-alaala.
3. Ang Family Room
Kasama ng bawat viewing chapel sa Lighthouse ang sariling family room, kung saan:
🙏Maaring magpahinga ang pamilya sa pagitan ng pagbisita ng mga tao
🙏Kumain, mag-kape, at magkuwentuhan nang mas pribado
🙏Maaring maglagay ng gamit, damit, at personal na pangangailangan
Alam naming mahaba ang gabi sa lamay.
Kaya dinisenyo ang family rooms para may lugar ang pamilya na huminga, umupo, at magpahinga, habang nananatiling malapit sa mahal nila sa buhay.
4. Accessibility at Amenities
Para mas magaan sa pamilya at bisita, ang Lighthouse Memorial Chapel ay may:
🙏5 viewing chapels – bawat isa may viewing at family room
🙏Air-conditioned na mga kwarto
🙏Elevator at maluwag na aisle – para sa seniors, bata, at bisitang may dalang gamit
🙏Wake essentials – tables, chairs
🙏Parking area – para sa mga sasakyan ng bisita
🙏24/7 assistance – maaari kayong magtanong kahit gabi
5. Sa Araw ng Huling Paalam
Sa huling araw ng lamay, bago umalis papunta sa cemetery o crematorium:
🙏Maaaring magkaroon ng huling dasal o misa sa viewing room
🙏Maaaring magbigay ng maikling mensahe ang pamilya o kaibigan
🙏Tutulong ang staff sa ayus ng gamit at paglabas ng labi
Hangarin namin na sa bahaging ito, maramdaman ninyo ang dignidad at katahimikan na nararapat sa huling sandali ng pamamaalam.
Hindi Kailangan Malito
Kung first time ninyong gumamit ng viewing chapel, normal lang malito at kabahan.
Sa Lighthouse Memorial Chapel, nais naming maging:
🙏Gabay – sa proseso ng lamay sa viewing chapel
🙏Sandigan – sa oras ng pagod at pagkalito
🙏Tahimik na kasama – habang pinagdaraanan ninyo ang pagdadalamhati
Kung may tanong po kayo tungkol sa lamay sa viewing chapel, o nais ninyong malaman kung paano magsimula:
📞 Mobile: 0954 316 7723
☎️ Landline: 049 546 9894
Lighthouse Memorial Chapel
A quiet place for loving goodbyes.