23/07/2025
Mag-ingat po tayo mga Suki!
π£ππππππ π¦π π£π¨πππππ’: ππͺππ¦ππ‘ ππ‘π π£ππππ¨π¦π’π‘π ππ§ π£πππππππ₯π’ π¦π π§π¨πππ-ππππ
Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, paalala ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development, Huwag maligo, lumusong, o maglaro sa tubig-baha. Bagamat maaaring mukhang mababaw o hindi delikado, ang tubig-baha ay lubhang marumi at posibleng naglalaman ng ihi at dumi ng hayop, basura, langis, kemikal, at iba pang nakalalasong sangkap. Maaari rin itong magtaglay ng matutulis na bagay tulad ng bubog o pako na maaaring makasugat.
Ito ay maaaring magdulot ng malulubhang sakit gaya ng leptospirosis, impeksyon sa balat, tetano mula sa kontaminadong sugat, at mga sakit sa tiyan tulad ng pagtatae at pagsusuka.
Sa mga magulang, huwag hayaang maglaro ang mga bata sa baha dahil sila ang mas madaling kapitan ng impeksyon. Kung hindi maiiwasan, tiyaking may sapat na proteksyon gaya ng bota. Kapag nabasa ng baha ang katawan o ang anumang sugat, agad na maghugas at linisin ito. Kapag nakaramdam ng lagnat, pananakit ng kalamnan, paninilaw ng balat, o anumang kakaibang sintomas matapos malantad sa baha, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.
Ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa ay dapat laging inuuna. Iwasan ang panganib, umiwas sa tubig-baha.
Mag-ingat dahil bawat buhay mahalaga!