Palangoy Health Center

Palangoy Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Palangoy Health Center, Medical and health, Palangoy, Binangonan.

Barangay Health Center located at Barangay Palangoy, Binangonan, Rizal, delivering healthcare services, and promoting and implementing the health programs of the Department of Health towards a healthy and wholistic community.

01/08/2025

Hangad ang mas maayos na kinabukasan? Tara, usap tayo sa Family Planning! 📋

Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa iba’t ibang family planning methods tulad ng:

✅ Ligation;
✅ Vasectomy
✅ Implant;
✅ Lactational Amenorrhea Method (LAM);
✅ Intrauterine Contraceptive Device (IUD);
✅ Calendar Method;
✅ Pills;
✅ Injectables; at
✅ Condoms;

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado!

Isang paalala ngayong Family Planning Month.




04/07/2025

Sapat na pagkain at tamang nutrisyon—karapatan ng bawat Pilipino! 💚

Narito ang mga simpleng hakbang tungo sa mas malusog na pamumuhay:
🍴 Kumain ng Go, Grow, at Glow foods
🏃‍♀️ Kumilos araw-araw — 30 minuto para sa matatanda, 1 oras para sa kabataan
🤱 Inay, magpasuso nang eksklusibo sa unang 6 na buwan
👶 Sa ika-6 na buwan ni baby, simulan ang complementary feeding ng masustansyang pagkain habang nagpapatuloy ang pagpapasuso
🌱 Magtanim ng gulay at prutas sa bakuran para may sariling mapagkukunan ng masustansyang pagkain

🎥 Panoorin ang maikling paalala mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project: https://youtu.be/rdkr5V473Wg




12/06/2025
12/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





17/05/2025

Sa ayaw at sa gusto mo, may dinadamay kang buhay sa pagyoyosi at pagve-vape mo.

Epekto ng usok mo sa mga bata:
❗️Sudden infant death syndrome
❗️Impeksyon sa baga, tenga at iba pang organs
❗️Hika

Epekto usok mo sa mga matatanda:
❗️Stroke
❗️lung and breast cancer,
❗️coronary heart disease,
❗️chronic obstructive pulmonary disease
❗️asthma
❗️ diabetes mellitus.

Nakamamatay ang secondhand smoke.

🚭 Huwag magyosi, huwag magvape. Tumawag sa DOH Quitline 1558 para sa tulong sa pagquit sa bisyo.




01/04/2025
20/02/2025

☎️ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kapag nakaranas ng sintomas ng Dengue! 🤳

Ang malubhang Dengue ay nakamamatay. Ito ay dala ng lamok na Aedes aegypti 🦟 na nagpaparami sa mga naipong tubig at maruruming lugar.

Ugaliing maglinis ng paligid para walang pamugaran ang lamok! Kung walang lamok, walang dengue!

20/02/2025

🛡️Kaya mong protektahan ang sarili laban sa Dengue!🛡️

Iwasan ang kagat ng lamok na may dalang Dengue:
✅ Magsuot ng long sleeves at pantalon
✅ Gumamit ng insect repellent
✅ Gumamit ng kulambo pag natutulog

Siguruhin ang proteksyon laban sa malubhang sakit dahil Bawat Buhay Mahalaga!

18/02/2025

🚫 No Lamok, No Dengue! 🚫

Madalas na nangingitlog ang mga lamok sa lugar at gamit na may naipong tubig na hindi gumagalaw.

🧹 Linisin ang kapaligiran
🪣 Itaob o takpan ang mga drum at gamit na napag-iipunan ng tubig
🚫 Gumamit ng insecticide

Kalinisan ang solusyon para pamilya ay maprotektahan dahil Bawat Buhay Mahalaga!



18/02/2025

⚠️ Alamin ang banta ng Dengue! ⚠️

Ang Dengue ay galing sa kagat ng mga lamok na may stripes na itim at puti sa kanyang katawan at binti.

Maaaring magsimula ang Dengue sa sintomas na tulad ng trangkaso, ngunit maaaring lumala at magdulot ng mas malubhang sakit.

Tumawag sa Hotline 1555 (dial 2) para magpakonsulta agad sa unang sintomas ng Dengue!



ATTENTION ❗❗❗ Sa darating na February 18, 2025, Martes po, ay magkakaroon po ng misting sa rancho para po sa pag iwas sa...
12/02/2025

ATTENTION ❗❗❗

Sa darating na February 18, 2025, Martes po, ay magkakaroon po ng misting sa rancho para po sa pag iwas sa Dengue at paghahanda na rin po sa idadaos na Regional Athletic Association Meet. Kaugnay po nito ay ipagbabawal po munang gamitin ang rancho sa February 18, 2025, sa umaga 6:30-9:00am po. Saglit lang naman po ang misting, pagkatapos po ng misting ay maaari na po ulit gamitin ang rancho. Maraming salamat po sa kooperasyon!

Address

Palangoy
Binangonan
1940

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palangoy Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share