28/10/2024
𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀
🗓October 28,2024
Ang School-Based Immunization (SBI) ay isang Programa ng DOH, sa Pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), na Naglalayong Magbigay ng Proteksyon Laban sa mga Vaccine-Preventable Disease (VPDs).
Ang mga Bakunang ibibigay sa Grade 1 at 4 ay Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) Vaccines na Panlaban sa mga Sakit na Tigdas, Tigdas-Hangin, Tetano, at Dipterya. Samantala, ang mga Babaeng mag-aaral na Nasa Grade 4 ay Bibigyan naman ng Human Papillomavirus (HPV) Vaccine na magiging Proteksyon nila laban sa sakit na Cervical Cancer.
Mag pabakuna na!
Nagpapasalamat po kami sa Punong-G**o at mga G**o ng Bitu Elementary School na nakilahok sa ating aktibidad at special thanks din sa kasama namin at sa dalawang BHW ng Bitu.