11/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | DOH MIMAROPA, Patuloy sa Pagsusuri ng mga Ospital sa Marinduque para sa Mas Maayos na Serbisyong Pangkalusugan
Patuloy ang ginagawang pagsusuri ng Department of Health MIMAROPA Center for Health Development sa mga ospital sa lalawigan ng Marinduque bilang bahagi ng layunin nitong tiyakin ang ligtas, maayos, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa publiko.
Mula Hulyo 1 hanggang 4, 2025, pinangunahan ni DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz ang isinagawang Health Facility Assessment at mga courtesy visit sa tatlong ospital sa lalawigan. Kabilang sa mga ito ang Marinduque Provincial Hospital, Sta. Cruz District Hospital at Torrijos Municipal Hospital.
Katuwang sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Health Facility Development Unit (HFDU), Health Facilities Enhancement Program (HFEP), Regulations, Licensing and Enforcement Division (RLED), Human Resource for Health (HRH), Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIPP), at ang Provincial DOH Office ng Marinduque.
Layon ng assessment na ito na matukoy ang kasalukuyang kondisyon ng mga pasilidad at ang mga pangangailangang dapat agad matugunan upang mapabuti ang serbisyong ibinibigay ng bawat ospital. Kabilang dito ang pagsusuri sa imprastraktura, kagamitan, bilang ng tauhan at pagsunod sa mga itinakdang pamantayan ng kagawaran.
Bahagi rin ng pagbisita ang pagbibigay ng teknikal na gabay at mga rekomendasyon para sa patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng mga ospital sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa kanilang mga nasasakupan.
Sa tuloy-tuloy na pagtutulungan ng DOH MIMAROPA at ng mga ospital sa rehiyon, layunin nitong mas mailapit sa bawat mamamayan ng Marinduque ang maaasahan at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
"๐บ๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐;
๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐ฐ๐ด๐จ๐น๐ถ๐ท๐จ."