25/08/2024
Ngayong Araw , August 25,2024 ay matagumpay na naisagawa ang Mobile Blood Donation activity sa pagtutulungan ng Provincial Health Office sa pangunguna ni Dr Gerardo O. Caballes,Marinduque Blood Council sa pangunguna ni Dr. Edzel L. Muhi, at 1704th Community Defense Center 17RCDG sa pangunguna ni Major Nicoli Lizaso.
Tapos pusong pasasalamat sa lahat ng mga magigiting na blood donors.Gayundin sa mga volunteers na kinabibilangan Ng mga healthcare workers mula sa Provincial Health Office, Marinduque Provincial Hospital, Santa Cruz District Hospital, Torrijos Municipal Hospital, at sa ating mga Rural Health Units.
May kabuuang 75 blood units ang nalikom mula sa napakahalagang gawain na ito at malaking tulong ito sa mga Marinduqueños na nangangailangan masalinan Ng dugo sa ating mga ospital.
Pasasalamat din sa pamunuan Ng Marinduque State University sa pangunguna ni Pres.Diosdado P. Zulueta sa pamamagitan ni nurse John Ryan Leaño at sa lahat Ng naging bahagi Ng gawaing ito.