Bocaue Health Department

Bocaue Health Department Official page of BOCAUE MUNICIPAL HEALTH OFFICE. Promoting public healthcare service delivery in Bocaue, Bulacan

23/07/2025
23/07/2025

JUST IN: A health worker died in Meycauayan, Bulacan after being electrocuted at their flooded health center, the Bulacan DRRMO tells ABS-CBN News.

The 49-year-old was there to manage medicines, vaccines in their health center for the evacuees. | via Job Manahan, ABS-CBN News

23/07/2025
Binisita pong muli ng ating HERTs ang mga evacuation centers natin upang magbigay ng serbisyong medikal sa mga evacuees....
23/07/2025

Binisita pong muli ng ating HERTs ang mga evacuation centers natin upang magbigay ng serbisyong medikal sa mga evacuees. Ito po ay para masigurong walang kakalat na nakahahawang sakit sa loob ng ating mga evacuation centers at maagapan na din po lumala kung sakaling mayroon na pong nagkakasakit sa kanila.

Sa serbisyong solid, sama-sama at tulong-tulong para masiglang pagsulong.





22/07/2025

WEATHER UPDATE: ORANGE RAINFALL WARNING

Batay sa advisory na inilabas ng PAGASA ngayong 8:00am, July 22, Tuesday, ay nasa Orange Rainfall Warning ang buong lalawigan ng Bulacan.

Makararanas pa rin ng matinding pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa mga mababang lugar.

Maging mapagmatyag at laging handa sakaling kailanganing lumikas. Naka-alerto 24 oras ang Pamahalaang Bayan ng Bocaue, sa pangunguna ni Mayor Jonjon Villanueva, upang tiyaking ligtas ang bawat Bocaueño.

Para sa mga emergency o kung kinakailangang lumikas, makipag-ugnayan lamang sa Bocaue Rescue – MDRRMO sa numerong 0936 330-9020.

Mag-ingat po tayong lahat.




Patuloy po ang paglilibot ng ating HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAMs (HERT) sa ibat- ibang evacuation centers sa ating mga...
22/07/2025

Patuloy po ang paglilibot ng ating HEALTH EMERGENCY RESPONSE TEAMs (HERT) sa ibat- ibang evacuation centers sa ating mga barangay kasama na din po ang Dr. Yanga's School sa Biniang 2nd upang alamin ang mga pangangailangang medikal ng ating mga evacuees at mabigyan na din po sila ng DOXYCYCLINE capsules bilang pangontra sa LEPTOSPIROSIS.

Ito po ay pagtugon na din sa panawagan ni Mayor Jonjon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna na siguraduhin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mamamayan ng Bocaue, Bulacan.

Sama-sama tulong-tulong para sa masiglang pagsulong!!!





Ingat po tayong lahat Bocaueños!
21/07/2025

Ingat po tayong lahat Bocaueños!

Bilang tagubilin ng ating Punong Bayan Mayor Jonjon Villanueva Jr at Vice Mayor Sherwin Tugna na panatilihing maganda an...
21/07/2025

Bilang tagubilin ng ating Punong Bayan Mayor Jonjon Villanueva Jr at Vice Mayor Sherwin Tugna na panatilihing maganda ang kalusugan ng mga kababayan nating nasa Evacuation Center. Ang ating po Municipal Health Office ay bumisita, nag kunsulta at namigay ng mga gamot na kailangan ng mga may sakit natin kababayan sa evacuation center. Kasabay nito ay namahagi din tayo ng Doxycycline bilang pang laban sa leptospirosis o sakit na nakukuha sa ihi ng daga. mag ingat po ang lahat at manatili tayo alerto lalo sa biglang pag taas ng tubig baha.




20/07/2025

Mahalagang pabatid.

Base po sa impormasyong inilabas ng PAGASA, bagamat nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Crising, patuloy pa rin ang pag-ulan sa ating bayan dala ng Hanging Habagat.
Ito po ang dahilan ng pagbaha sa halos karamihan ng barangay sa ating bayan. Apektado po ang mga establisyemento at mga paaralan na sa kasalukuyan ay nakalubog pa din sa tubig baha.

Matapos ang konsultasyon sa mga kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pangunguna ni Mayor Jon Jon JJV Villanueva at Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna ay napag-desisyunan na ideklarang
SUSPENDIDO ANG LAHAT NG FACE TO FACE CLASSES SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN BUKAS JULY 21, 2025, Lunes, sa ating bayan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Mag switch po sa Alternative Learning Delivery Modes.

Maging alerto at mag-iingat po tayong lahat, Bocaueños.




Address

Bocaue

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bocaue Health Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share