Public Health Unit - Joni Villanueva General Hospital

Public Health Unit - Joni Villanueva General Hospital Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Public Health Unit - Joni Villanueva General Hospital, Hospital, National Road, Igulot, Bocaue.

Joni Villanueva General Hospital is a Level II General Hospital with Trauma Capability by 2026 providing holistic and integrative healthcare services in the Province of Bulacan.

18/12/2025

PAUNAWA

Walang konsultasyon (Internal Medicine, Surgery, Pediatrics, Obgyne, Psychology at Dental), Animal Bite Treatment Center at Family Planning ang OUTPATIENT DEPARTMENT December 19, 2025 (Biyernes) sa kadahilanang ito ay Year End Review para sa mga kawani ng pagamutan.

Samantala ang ating Emergency Department, Pharmacy, Laboratory, Radiology at Malasakit Center ay bukas 24/7

***Paalala para sa mga Naka-schedule na OPD Patients (December 19, 2025):
1. Kung kailangan ninyo ng agarang medikal na atensyon, mangyaring dumiretso sa Emergency Department ng ospital.
2. Para sa hindi emergency na kaso, maaari kayong pumunta sa Outpatient Department (OPD) kapag ito ay nag balik operasyon na. Tutulungan kayo ng aming staff sa pagrereschedule ng inyong appointment. Kung may sapat na kapasidad, maaari rin kayong ma-accommodate sa parehong araw.


03/12/2025

PAUNAWA

Walang konsultasyon (Internal Medicine, Surgery, Pediatrics, Obgyne, Psychology at Dental), Animal Bite Treatment Center at Family Planning ang OUTPATIENT DEPARTMENT December 04, 2025 (Huwebes) sa kadahilanang ang JVGH ay magsasagawa ng Joni Day Wellness 2025 para sa mga kawani ng pagamutan

Samantala ang ating Emergency Department, Pharmacy, Laboratory, Radiology at Malasakit Center ay bukas 24/7

***Paalala para sa mga Naka-schedule na OPD Patients (December 04, 2025):
1. Kung kailangan ninyo ng agarang medikal na atensyon, mangyaring dumiretso sa Emergency Department ng ospital.
2. Para sa hindi emergency na kaso, maaari kayong pumunta sa Outpatient Department (OPD) kapag ito ay nag balik operasyon na. Tutulungan kayo ng aming staff sa pagrereschedule ng inyong appointment. Kung may sapat na kapasidad, maaari rin kayong ma-accommodate sa parehong araw.


Pagpapalawig ng Kaalaman sa TB para sa mga Pasyente ng OPD.Bilang bahagi ng pagsusulong ng malusog na pamumuhay sa ilali...
02/12/2025

Pagpapalawig ng Kaalaman sa TB para sa mga Pasyente ng OPD.

Bilang bahagi ng pagsusulong ng malusog na pamumuhay sa ilalim ng National Tuberculosis Control Program (NTP), isinagawa kamakailan ng DOH – Joni Villanueva General Hospital JVGH ang TB Awareness activity para sa mga pasyente ng OPD. Tinalakay dito ang:
✔️ Mga sintomas ng TB at paraan ng pag-iwas
✔️ Kahalagahan ng maagang pagpapatingin
✔️ Tamang pagsunod sa gamutan

Binigyang-pansin ang kahalagahan ng konsultasyon, lalo na sa mga nakararanas ng sintomas o may posibleng exposure. Pinatitibay rin ang mensahe tungkol sa maagang pag-detect, wastong pag-iwas, at kumpletong gamutan, alinsunod sa mga patakaran ng NTP, upang mapigilan ang pagkalat ng TB sa komunidad.

Ang mga pasyente ay maaring magpacheck-up sa ospital kung nakararanas ng sintomas, upang masigurado ang tamang pagsusuri at agarang gamutan. Sama-sama nating labanan ang TB—sa kaalaman at tamang gamutan nagsisimula ang proteksyon.

Sama-sama nating labanan ang TB—sa kaalaman at tamang gamutan nagsisimula ang proteksyon.

Alaga Para sa mga Taga-Pagligtas: Pagtataguyod ng Kalusugan ng mga Kawani ng BFP at BJMPAng dedikasyon at sakripisyo ng ...
02/12/2025

Alaga Para sa mga Taga-Pagligtas: Pagtataguyod ng Kalusugan ng mga Kawani ng BFP at BJMP

Ang dedikasyon at sakripisyo ng mga kawani ng BFP at BJMP ay tunay na kahanga-hanga. Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, tiniyak ng DOH – Joni Villanueva General Hospital JVGH sa pamamagitan ng Mobile BUCAS Community Health Access (MoBCHA) na may access sila sa laboratory tests, ECG, X-ray, dental check-up, at comprehensive medical check-up.

Sa bawat hakbang ng kanilang tungkulin, katuwang nila ang DOH – Joni Villanueva General Hospital sa pagbibigay ng tamang pangangalaga at suporta, upang siguraduhin na nasa maayos silang kalagayan at handa sa tungkulin.

02/12/2025
Kalusugan sa Likod ng Rehas: Serbisyong Medikal Hatid sa mga PDL ng Sta. MariaPatuloy ang pagbibigay-serbisyo ng DOH - J...
21/11/2025

Kalusugan sa Likod ng Rehas: Serbisyong Medikal Hatid sa mga PDL ng Sta. Maria

Patuloy ang pagbibigay-serbisyo ng DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH sa pamamagitan ng Mobile BUCAS Community Health Access (MoBCHA) para matiyak na ang ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ay nakatatanggap ng sapat at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.

Kamakailan ay nagsagawa ang aming MoBCHA team ng on-site health services na kinabibilangan ng:
✔️ Laboratory Services
✔️ ECG Procedure
✔️ Medical Consultation
✔️ Distribution of Maintenance & Essential Medicines

Layunin ng programang ito na mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad na may limitadong access, kabilang ang ating mga kapatid na PDL.

Kasama sa aming adbokasiya ang pagtiyak na ang kalusugan ay karapatan ng bawat isa—kahit sa loob ng rehas.

World Rabies Day para sa Mga Bata: “Rabies Nakamamatay, Pero Maiiwasan!”Sama-sama Nating Paigtingin ang Pag-iwas sa Rabi...
19/11/2025

World Rabies Day para sa Mga Bata: “Rabies Nakamamatay, Pero Maiiwasan!”
Sama-sama Nating Paigtingin ang Pag-iwas sa Rabies.

Ipinagdiwang ng DOH – Joni Villanueva General Hospital JVGH, sa pamamagitan ng Public Health Unit at Animal Bite Treatment Center, ang World Rabies Day kasama ang mga mag–aaral ng Lolomboy Elementary School, Bunducan Elementary School, at Bolacan Elementary School noong October 22–23, 2025.

Sa kabila ng pagiging bata, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang kagustuhang matuto at makiisa sa pag-papanatiling ligtas ang kanilang sarili at mga alaga. Nagpakita rin sila ng aktibong partisipasyon sa question-and-answer, na nagpalawak sa kanilang kaalaman sa pag-iwas sa rabies.

Dahil sa ginawang aktibidad, mas naunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga sa mga alagang hayop, ang tamang hakbang kapag nakagat o nakalmot, at ang serbisyo ng Animal Bite Treatment Center.

Ang kanilang aktibong partisipasyon ay nagpapakita na bawat bata ay may mahalagang papel — may kakayahan silang mag-ambag sa positibong pagbabago para sa kaligtasan ng kanilang paaralan at komunidad. Nakatulong din ito sa pagpapalawak ng kaalaman at sa pagpapatibay ng proteksyon para sa buong komunidad.

Paalala: Ang DOH – Joni Villanueva General Hospital ABTC ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes para sa agarang tulong at konsultasyon matapos makagat o makalmot ng hayop. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ABTC para sa tamang pangangalaga at proteksyon laban sa rabies.

Ang DOH - Joni Villanueva General Hospital ay nagsagawa ng libreng eye check-up para sa limang learners na benepisyaryo ...
29/10/2025

Ang DOH - Joni Villanueva General Hospital ay nagsagawa ng libreng eye check-up para sa limang learners na benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) — isang programa na inilunsad ng DSWD.

🌬️ NARITO NA ANG AMIHAN SEASON! ❄️Sa malamig at tuyong simoy ng hangin, maging handa laban sa trangkaso, sipon, pulmonya...
27/10/2025

🌬️ NARITO NA ANG AMIHAN SEASON! ❄️

Sa malamig at tuyong simoy ng hangin, maging handa laban sa trangkaso, sipon, pulmonya, allergic rhinitis, at panunuyo ng balat.

Paalala ng DOH para manatiling malusog ngayong panahon ng Amihan:
🤲 Regular na maghugas ng kamay
😷 Manatili sa bahay kung may sintomas, o magsuot ng face mask
💧 Uminom ng maraming tubig
🧴 Magpahid ng moisturizer o lotion araw-araw




Joni Villanueva General Hospital proudly joins the nation in celebrating Newborn Screening Awareness Week with the theme...
03/10/2025

Joni Villanueva General Hospital proudly joins the nation in celebrating Newborn Screening Awareness Week with the theme "NBS O.P.P.A."

We affirm our commitment to safeguarding the health of every Filipino newborn through timely and accurate newborn screening. By promoting early detection, we help ensure that babies are given the chance to live healthier and brighter futures.

Newborn Screening saves lives. It provides families with hope, prevents life-threatening conditions, and empowers healthcare providers to intervene before complications arise. Together, let us strengthen advocacy, awareness, and participation in this life-saving program.

"A few drops of blood can save a lifetime. 💖 "
"Screen early, save lives! 👶 "




Joni Villanueva General Hospital JVGH
Newborn Screening Center - Central Luzon

Ngayong World Rabies Day, sama-sama nating kilalanin ang kahalagahan ng tamang kaalaman at aksyon laban sa rabies. Kasab...
24/09/2025

Ngayong World Rabies Day, sama-sama nating kilalanin ang kahalagahan ng tamang kaalaman at aksyon laban sa rabies. Kasabay ng paggunita, inilulunsad natin ang Pet ay Alagaan, Rabies Ayawan (PARA) Campaign — isang pinaigting at repackaged na adbokasiya para sa rabies prevention and control.

Layunin nitong itigil ang pagtaas ng mga kaso ng kagat ng hayop at pagkamatay dahil sa rabies, habang isinusulong ang kaligtasan ng bawat Juan, Juana, Pamilya, at Komunidad.

Itinatampok ng kampanya ang tatlong mahahalagang hakbang:
✅ Responsible pet ownership
✅ Bite and exposure prevention
✅ Immediate management after exposure

💡 PARA stands for both TO STOP and FOR:
🚫 PARA sa pagpigil sa pagdami ng animal bites at human rabies deaths
💙 PARA kay Juan at Juana, sa bawat Pamilya, at sa buong Komunidad — tungo sa isang Rabies-Free Central Luzon sa pamamagitan ng One Health Approach 🐶🐱👨‍👩‍👧‍👦






Bulacan Emergency HotlinesSa oras ng sakuna, huwag mag-panic, Tumawag.Tingnan ang larawan para sa mga numerong dapat tan...
22/09/2025

Bulacan Emergency Hotlines

Sa oras ng sakuna, huwag mag-panic, Tumawag.
Tingnan ang larawan para sa mga numerong dapat tandaan.

I-save, i-share, at ipaskil sa lugar na madaling makita.

JVGH supports proactive public safety and fast response


Address

National Road, Igulot
Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639603026389

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Health Unit - Joni Villanueva General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Public Health Unit - Joni Villanueva General Hospital:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category