
03/06/2025
‼️
HIV CASES SA PILIPINAS, TUMAAS NG 500%; DOH, NANAWAGAN NA MAGDEKLARA NG NATIONAL PUBLIC HEALTH EMERGENCY
Umakyat ng 500% ang bilang ng mga kaso ng HIV sa mga kabataang Pilipino na nasa edad 15 hanggang 25 mula January hanggang March 2025. Dahil dito, nanawagan ang Department of Health o DOH sa pamahalaan na ideklara ang HIV bilang isang National Public Health Emergency.
Ayon sa DOH, umaabot na sa 57 ang naitatalang bagong kaso ng HIV kada araw sa unang tatlong buwan ng taon. Isa sa pinakabatang kaso ay isang 12-taong-gulang na bata mula sa Palawan.
Sinabi rin ng DOH na mas malala na ang banta ng HIV kaysa sa Mpox sa Pilipinas.