08/01/2025
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
Q1. Ano ang mga dapat at hindi dapat kong kainin?
A. Limitahan ang asin, taba, mantika, at tamis. At damihan ang gulay at kontian ang pagkain ng kanin.
Q2. Bakit minsan parang nalulungkot ako at naiinis madaling magalit? Parte ba ito ng aking stroke?
A. Oo. Normal na may kasamang mental problems kung ikaw ay nastroke. Dahil sa frustration mo na makalakad, makagalaw, at ang hindi pagtanggap ng iyong kondisyon. Dapat magbigay alam sa iyong attending doctor para marefer ka sa tamang mental health professionals katulad ng psychologist at psychiatrist.
Q3. Maaari pa rin ba akong makarecover kahit na walang stroke rehab?
A. Oo, kaso ang own recovery ng brain after stroke ay hindi sapat. Kailangan mo ng physical therapist para mapadali ang iyong pagrecover.
Q4. Paano ko malalaman kung makakalakad pa ako?
A. Kailangan meron kang trunk control kapag ikaw ay nakaupo at nakatayo dapat ay may lakas ang iyong pwet kapag nakaupo, at kaya mong i "lock" ang iyong mga tuhod kapag nakatayo.
Q5. May posibilidad ba na pwede ako mastroke ulit o ma Re-stroke?
A. Oo. Kaya kailangan mo imonitor ang iyong laboratories, at magconnect parati sa pamamagitan ng konsultasyon sa iyong attending doctor. Makakatulong din ang stroke rehab para maibalik ulit ang iyong lakas at maka-adjust ang iyong katawan.
Q6. Bakit iba iba ang recovery ng stroke? May iba full recovery, may iba bedridden, at may iba naman mga 50-60 percent lang ang recovery?
A. Maraming factors, unang una depende sa parte ng utak na involved, ikalawa depende ito sa iyong edad at extend na damage ng stroke at response mo sa gamot, ikatlo kung ikaw ay may ibang karamdaman pa maliban sa stroke, at huli depende sa time kung kailan ka nagseek ng tulong medikal kung matagal pagkatapos ng stroke o right after ng pagkastroke mo.
Hope it helps!
I WISH YOU HEALTH π