06/08/2025
🎯 MASAKIT Pero TOTOO: KALUSUGAN ang NASASAKRIPISYO Dahil sa HIRAP ng BUHAY😔
Sa panahon po ngayon, mataas ang bilihin, mababa ang kita. Kaya hindi na nakakagulat na ang typical na pagkain sa maraming hapag-kainan ay:
🍜 Instant noodles
🍚 Kanin
🥫 Ultra-processed at murang delata
Ito ang affordable—pero hindi nutritious.😔
Sa bawat tipid natin sa pagkain, minsan ang kabayaran ay ang kalusugan.
📉 Kaya dumarami po ang kaso ng chronic kidney disease (CKD), diabetes, hypertension, at iba pang metabolic diseases—hindi lang sa matatanda, kundi pati sa mas bata.
🛑 Hindi po ito simpleng problema ng “pagkain ng bawal”—ito ay problema ng ACCESS sa tunay na pagkain.
✅ Real food is medicine.
✅ Protektahan ang bato, atay, puso, at buong katawan sa pamamagitan ng mas matalinong pagpili.
✅ Hindi kailangang mahal para maging healthy—kailangan lang ng tamang kaalaman at gabay.
📣 Panahon na po para i-prioritize ang health kahit sa gitna ng kahirapan. EDUCATION and EMPOWERMENT can save lives.💪💯