Balilihan Health Bulletin

  • Home
  • Balilihan Health Bulletin

Balilihan Health Bulletin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balilihan Health Bulletin, Medical and health, Del Carmen Weste, Balilihan, .

𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗸𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗙𝗠𝗗!Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang karaniwan at lubhang ...
10/09/2025

𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗸𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗙𝗠𝗗!
Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang karaniwan at lubhang nakakahawa na viral infection sa mga bata. Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng singaw sa bibig at mga butlig sa kamay at paa.
‘Nay at ‘Tay, panatilihing ligtas ang mga bata sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
> Siguraduhing madalas ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
> Regular na linisin at i-disinfect ang mga laruan at kagamitan.
> Paalalahanan ang mga bata na iwasang hawakan ang kanilang mukha, mata, ilong, at bibig.
Ang pag-iingat ang ating pinakamabisang sandata. Sa pamamagitan ng kalinisan, mapoprotektahan natin ang ating mga anak at komunidad laban sa HFMD.

𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗸𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝗙𝗠𝗗!

Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang karaniwan at lubhang nakakahawa na viral infection sa mga bata. Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng singaw sa bibig at mga butlig sa kamay at paa.

‘Nay at ‘Tay, panatilihing ligtas ang mga bata sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
> Siguraduhing madalas ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
> Regular na linisin at i-disinfect ang mga laruan at kagamitan.
> Paalalahanan ang mga bata na iwasang hawakan ang kanilang mukha, mata, ilong, at bibig.

Ang pag-iingat ang ating pinakamabisang sandata. Sa pamamagitan ng kalinisan, mapoprotektahan natin ang ating mga anak at komunidad laban sa HFMD.

Maayong Adlaw, Balilinhons! Palihog basaha ang mga schedule para sa Hanopol BHS. Daghang salamat!
07/09/2025

Maayong Adlaw, Balilinhons! Palihog basaha ang mga schedule para sa Hanopol BHS. Daghang salamat!

❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan a...
07/09/2025

❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗

Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan at sa iba pang mga serbisyo para sa mga kalalakihang na-diagnose na may Prostate Cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Maging alisto sa mga sintomas ng Prostate Cancer. Kapag may napansing mga sintomas, magpakonsulta kaagad sa pinakamalapit na health center.

Panatilihing malusog ang pangangatawan para mapababa ang tsansa na magkaroon ng kanser!
📌Kumain ng tama! Damihan ang gula at prutas, iwasan ang maaalat at matataba
📌Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto kada araw
📌Huwag manigarilyo at uminom ng alak

Source: Global Cancer Observatory, 2022




❗️DOH: PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️4/10 na Pilipino ay obese. Ang obesity ay isang kondis...
07/09/2025

❗️DOH: PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️

4/10 na Pilipino ay obese. Ang obesity ay isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan, at maaaring umangat ang panganib sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes (Type 2), at stroke.

🥦🏃Piliin ang healthy ang gawin ang mga sumusunod:
✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang matatamis, maalat, mamantika, at matataba (4Ms)
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ Magpasuri nang maaga upang matiyak na ang timbang, taas, at sukat ng baywang ay akma sa iyo
✅ Iwasang magpuyat

Source: DOST-FNRI, National Nutrition Survey 2023




Ang mga kanser sa dugo ay mga ‘silent killer’ na matutugunan ng maagap na gamutan, kapag maaga ring na-diagnose. 🩺 Magpa...
07/09/2025

Ang mga kanser sa dugo ay mga ‘silent killer’ na matutugunan ng maagap na gamutan, kapag maaga ring na-diagnose.

🩺 Magpatingin agad pag may napansin sa mga sumusunod na warning signs:
Pamumutla
Panghihina
Madalas o matagal na lagnat
Namamagang kulani na hindi masakit
Biglang pagbagsak ng timbang

💡 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo, basahin ang mga nasa sumusunod na link: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory




EPILEPSY KAYANG MACONTROLAyon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. S...
07/09/2025

EPILEPSY KAYANG MACONTROL

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. Sa tamang pagsusuri at gamutan, hanggang 70% ang maaaring mabuhay nang walang seizure.

✅ May lunas sa pamamagitan ng anti-epileptic na gamot
✅ Regular na monitoring at suporta mula sa pamilya at komunidad

💡 Mahalaga rin ang kaalaman sa first aid—kahit sino ay puwedeng makatulong sa oras ng seizure.

Maaaring magpunta sa ang mga Mental Health Access Sites o sa pinakamalapit
na health center para sa tulong:
👉 https://bit.ly/MAP-MHAccessSites
– Libreng konsultasyon
– Serbisyong medikal
– Referral sa espesyalista
– Suporta sa pamilya at tagapag-alaga




29/08/2025

𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦 𝗜𝗦 𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗜𝗙𝗘 🫁✨

Unsa nalang kaha ang kinabuhi kung masakit ang atong baga? 💔

Lisod iginhawa
Lisod ilihok
Lisod mabuhi nga wala ang baga

Maong importante ang saktong pag-amping sa atong baga, ilabi na karong Agosto kung diin gisaulog ang National Lung Month.

Atong likayan ang lung diseases para hayahay ang paginhawa! ❤️

Let's be healthy mga ka-Siete ✨


Importanteng pahibalo. Walay regular medical consultation ugma, Agosto 26, 2025(Martes) sa Balilihan Primary Care Facili...
25/08/2025

Importanteng pahibalo. Walay regular medical consultation ugma, Agosto 26, 2025(Martes) sa Balilihan Primary Care Facility. Ang mga doktor muparticipate sa Dagyawan sa Barangay sa Boyog Norte. Salamat sa pagsabot!

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, ...
25/08/2025

‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️

Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.

Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!

💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities

Source: World Health Organization




⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?Ito a...
25/08/2025

⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby


❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang ...
25/08/2025

❗️1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TB❗️

Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system. Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.

Ang HIV at TB co-infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).

Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities malapit sa inyo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥




Address

Del Carmen Weste, Balilihan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balilihan Health Bulletin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Balilihan Health Bulletin:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram