05/08/2025
Magandang hapon po sa lahat!
Mula po bukas, ika-6 ng Agosto hanggang ika-7 ng Agosto, sa ganap na alas 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon ay magkakaroon po ng PhilHealth Caravan sa ating Municipal Gymnasium. Kasama po ng RUR KonSulTa Team ang ating mga taga PhilHealth LHIO Calapan.
Ang kaCluster po na Barangays ay:
August 6: APLAYA, POBLACION, IPIL
August 7: LABASAN, MALITBOG, SAGANA
Sa mga wala pa pong PhilHealth na nasa huwastong gulang na, magdala lamang po kayo ng kopya ng inyong Birth Certificate kung Single at Marriage Contract/Certificate kung kayo naman po ay kasal. Parehas na requirements po ang dadalhin ng mga miyembro ng PhilHealth na hindi na nahuhulugan pa o may expired na validity.
Deretso nadin po kayong irerehistro sa PhilHealth KonSulTa katuwang ang Renato Umali Reyes Hospital of Bongabong.
Para po sa mga katanungan hinggil sa post na ito, maari po kayong magsend ng message dito sa page.
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo.
Maraming Salamat po at kita kita po tayo bukas. π«°π»
(ctto of image below)