Baranggay Aplaya Official

Baranggay Aplaya Official Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Baranggay Aplaya Official, Bongabong.

17/06/2020

Kwentohan tayo jam kayo🙏☝️😊

FYI!
30/04/2020

FYI!

29/04/2020

BASAHIN AT UNAWAING MABUTI!!!!

Source: DSWD

Basahin Para Malinawan po kayo.. at hindi mag reklamo at magalit sa mga brgy official, Dswd, local goverment at national goverment at hindi mabawian ng Amelioration...!

For All Region ang 5,000 to 8000.....Eto mas clear n explanation kung cnu in or out s SAP.
Pls Read☺
SOCIAL AMELIORATION PROGRAM FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQS) tagalog Version

BASAHIN PONG MABUTI AT INTINDIHAN, PARA HINDI PO MAGTATAMPO ANG MGA HINDI KASALI:

Hindi po lahat ng tao ang makakatanggap ng Social Amelioration Fund. Dapat malaman po ng lahat ang guidelines kung sino ang pwedeng makatanggap ng 6,500 pesos na assistance galing gobyerno.

UULITIN KO NA HINDI PO LAHAT ANG PWEDENG MAKATANGGAP NG GOVERNMENT SUBSIDY.

Ang Pilipinas po ang merong TOTAL 24.6 MILLION na pamilya pero ang pwede lang makatanggap ay hanggang 18 MILLION na pamilya. Sa loob ng dalawang buwan (APRIL at MAY 2020) na government subsidy.

According po sa JOINT MEMORANDUM CIRCULAR No. 1 SERIES of 2020::

Ang pwede lang makatanggap ng tulong PER FAMILY (hindi po per household), ay ang mga sumusunod:

1. Kung merong Person With Disability (PWD) sa pamilya

2. Senior Citizens

3. Kung merong Buntis or nagpasuso sa Pamilya

4. Solo Parents

5. Mga Overseas Field Workers na naistranded sa Pilipinas dahil sa COVID19

6. Indigent IPs

7. NO work NO pay workers

8. Mga kasambahay

9. Occassional workers o mga trabahador na binabayaran ang serbisyo pag tinatawag panandalian

10. Mga nagtatrabaho sa mga food processing na ang sweldo depende sa dami ng kanyang nagawa

11. Driver ng Pedicab, tricycle, jeep, taxi na ang me ari ay ibang tao

12. May ari ng maliit na sari ari store

13. Tagahugas ng plato sa carenderia

14. Nagbebenta ng mga prutas at gulay

15. May ari o nagtratrabaho sa carenderia

16. Tagatinda at nagtatrabaho sa ukay ukayan

17. Street vendors

18. Farmers

19. Fisherman

20. Construction workers na natigil ang trabaho dahil sa COVID19

21. Karpentero na ang kita ay depende sa dami ng natapos na trabaho

22. CAFGU

23. JOB ORDERS

ANG MGA HINDI PWEDENG MAKATANGGAP NG SOCIAL AMELIORATION FUND NA SUBSIDY GALING SA GOBYERNO DAHIL SA COVID 19 CRISIS.

1. REGULAR EMPLOYEES SA NATIONAL AGENCIES

2. REGULAR EMPLOYEES SA CITY HALL

3. REGULAR EMPLOYEES SA MUNISIPYO

4. REGULAR EMPLOYEES SA KAPITOLYO

5. MGA MAESTRA At MAESTRO

6. REGULAR EMPLOYEES SA KORTE

7. EMPLOYEES SA MGA OPISINA NA TUMATANGGAP NG MINIMUM WAGE KADA ARAW

8. MGA PINILI Na OPISYALES SA BARANGAY,LUNGSOD, SIYUDAD, PROBINIYSA UG ANG MGA KONGRESISTA

9. MEMBRO SA 4PS

10. POLICE

11. SUNDALO

ANO ANG DAPAT GAWIN?

- MAG FILL UP ng FORM PARA MAKAKUHA NG SUBSIDY. ANG FORM IHAHATID SA INYONG BAHAY. ANG BAWAT FORM AY MERONG BAR CODE KAYA HINDI ITO PWEDE IPA XEROS. ANG 4PS MEMBERS HINDI NA DAPAT SUMALI AT MAG FILL-UP NG FORM

- ANG TAGA DSWD AT ANG MGA OPISYALES NG BARANGAY AT IBA PANG MGA REPRESENTATIVE NG IBA’T IBANG AHENSYA NG GOBYERNO ANG MAGDADALA NG MGA FORMS SA INYONG BAHAY. HINDI PO KAYO DAPAT MAGPUNTA SA DSWD OFFICE.

NOTE:

1. Kung meron barangay officials na namimili kung sino lang ang kanilang bibigyan at ginagamit ang pamomolitika sa panahon na bigayan ng official list at mapatunayan, irereklamo sa dilg at mapapatawan ng kaso.

2. At kung me nakalusot, makakatanggap lang ng isang buwan at sa susunod na buwan hindi na niya ito matatanggap at maba blacklist siya at kelan man hindi na maisasali sa mga list of beneficiaries na ibibigay ng gobyerno.

SOURCE: DSWD
(copy)

CCTO

13/04/2020

CASES IN ORIENTAL MINDORO
Data as of April 11, 2020.

Total Number: 6
Active Cases: 4
Recoveries: 1
Deaths: 1

Naitala noong ika-11 ng Abril ang kauna unahang kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Bongabong. Isang 4 na taong gulang na batang lalaking Kapatid nating Mangyan ang nag-positibo sa COVID-19.

Isang linggo bago dalhin sa hospital ang bata, isinama ito ng kaniyang magulang sa tiangge kung saan maaring nakuha ng bata ang sakit.

Pinaaalalahanan ang lahat na panatilihin ang social distancing at pagsusuot ng face mask/cover tuwing mamamalengke o lalabas ng bahay.

(Ang DATA pong ito ay mula sa post ng ating Gobernador, Hon. Bonz Dolor.

Amin din pong nililinaw na HINDI PO NA-ADMIT ANG PASYENTENG NAG-POSITIBO sa COVID - 19.)

Maraming Salamat po!

10/04/2020

PAKIBASA PO NG MABUTI... 📣📣📣

Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong ni Mayor Doc. Elgin Malaluan mula sa mga g**o sa Bayan ng Bongabong, madaling naisaayos ang Social Amelioration mula sa DSWD na kaakibat ang MSWD Bongabong sa pangunguna ng MSWD Officer - Mrs. Judy Meonada.

Ipinababatid sa lahat na ipamimigay na bukas, Sabado, April 11, 2020 ang pagdidistribute sa 5 Urban Barangays:

Aplaya
Bagong Bayan I
Bagong Bayan II
Ipil
Poblacion

📣Mangyari lang pong p**i post ng inyong LISTING sa BARANGAY HALL.

Salamat sa tulong ng mga g**o at BHW para maisagawa ito at maipamigay sa lalong mas madaling panahon.

Isa tayo sa mga mauunang LGU sa bansa na unang mamimigay ng Amelioration sa galing, sipag at bilis aksyon ng Administrayong Malaluan-Candelario.

Marami pong salamat.

Mag-intay na lang po ng anunsyo namin para sa mga susunod na barangay.





07/04/2020

Para sa kaalaman ng lahat:

Para po sa mga kukuha ng Travel Pass mula April 9-12, 2020 ay mangyari lang pong kumuha na po kayo ngayon (April 7, 2020) hangang bukas lang ng tanghali (April 8, 2020) bilang pagpupugay sa Semana Santa ng mga Katoliko.

Mas maganda pong nasa bahay na lang tayo para sa ating kapakanan at iwasan po natin ang pagbyahe kung di kinakailangan.

Ang resume po namin ay sa April 13, 2020.

Maraming salamat po! 😇



Maraming Salamat po.. ❤❤Gov. Bonz Dolor ❤❤ Mula po sa mamayan ng Barangay Aplaya, Bongabong, Oriental  Mindoro.😊😘 Ang bi...
06/04/2020

Maraming Salamat po.. ❤❤Gov. Bonz Dolor ❤❤ Mula po sa mamayan ng Barangay Aplaya, Bongabong, Oriental Mindoro.😊😘 Ang biyayang inyong binigay ay malaki pong tulong sa aming mga hapag😊😊❤❤
Sa mga Teacher , BHW, Barangay Officials at Volunteer na nag hatid ng mga biyaya maraming Salamat po ❤❤❤
Maraming Maraming Salamat Po😊😊

05/04/2020

Sa aking mga ka barangay bukas po relief goods mula sa provincial bukas po pamimigay Gaya parin ng dati p**ilabas ng mga lalagyan nio n kasya ang 5 kilo n bigas walang lalampasang bahay sana po maging maayos po ang lahat. Mula po sa pamunuan ng APLAYA. SALAMAT PO.

Pakiunawang Mabuti.
05/04/2020

Pakiunawang Mabuti.

Paalala tayo ay sumunod sa alituntunin ng Barangay upang maiwasan ang ganitong sitwasyon..
04/04/2020

Paalala tayo ay sumunod sa alituntunin ng Barangay upang maiwasan ang ganitong sitwasyon..


03/04/2020

Schedule of Relief Goods Distribution
from the Provincial Government of Oriental Mindoro led by Governor Bonz Dolor and Vice Gov. CA Jojo Perez:

April 4 - Naujan & Victoria
April 5 - Pinamalayan, Gloria, at Bansud
April 6 - Puerto Galera, San Teodoro, at Baco
April 7 - Roxas, Mansalay, at Bulalacao
April 8 - Socorro, Pola, at Bongabong
April 9 - Calapan City

Ang lahat po ng mamamayan ay hinihikayat na mag handa ng timba, palanggana o kaserola na paglalagyan ng relief goods, sa ganito pong paraan ay maiiwasaan natin ang labis na pag gamit ng plastik at sinisigurado din po namin na lahat ng bahay ay mabibigyan at walang malalampasan.

Ipagpasalamat po natin sa Panginoon ang patuloy na paggabay at pagpapala sa ating lalawigan ❤️.

CCTO.

02/04/2020

FYI:

For immediate dissemination...

Bagaman mga reklamo sa barangay ay sa DILG Bongabong Fan Page idudulog... SUBALIT, ang Social Amelioration Program ay under ng DSWD at kung may katanungan tungkol doon ay makipag ugnayan sa DSWD o i-follow ang official DSWD Social Media Page at hindi po sa DILG Fan Page.

Lilinawin po rin namin na WALA pa pong binibigay pa ang National regarding po sa Social Amelioration Program. At kung meron man po, ipapaalam po namin sa lahat at ibibigay sa bahay bahay ng inyong barangay.

Salamat po.

01/04/2020

Bakit mabagal ang relief goods at ayuda ng LGU'S and BLGU'S?

May mga dahilan po yan..

1. Tayong lahat ay naka under ECQ alam natin yan at ibig sabihin lang po noon limitado po ang mga taong gumagalaw, example sa MSWDO na may 6 na empleyado ng isang bayan na may 36 brgys. at more than 17,000 households, sa tingin nyo po matatapos agad nila ng isang linggo ang pag rerepak ng relief goods?

2. Tayo po ay may tinatawag na "DUE PROCESS", Example sa SAC (Social Amelioration Card), hindi porket binalita sa tv at nakita sa fb or social media platforms automatic mag kakameron ka na po agad ng Cash grant. May mga papel at requirements pa din po na hihingin sa Baranggay officials at sa inyo ang Dswd. Ito po ay sinusunod lamang ng naayon sa binabang qualifications and resolution. Kaya sana wag nyo pong gawing DARNA at CAPTAIN BARBEL sina Kap, si konsehal at mayor na agaran ay tayo ay mabibigyan.

3. Matuto po tayong mag tanong sa mga kinauukulan at mga taong may sapat na kaalaman tungkol sa mga programang binibigay ng ating gobyerno.

4. At ang panghuli ay sana po, matuto tayong makiisa, maghintay, mag pasensya, umunawa at humanap ng paraan kung paano makakatulong sa pag papabilis ng proseso, hindi po yung tayo pa ang gumagawa ng rason or gulo sa ating bayan.

Yun lamang po at pag palain nawa tayo ng ating Panginoong Diyos! 💕❤️

Address

Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baranggay Aplaya Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share