Brgy. Sta Cruz Bongabong Or. Mdo

Brgy. Sta Cruz Bongabong Or. Mdo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Sta Cruz Bongabong Or. Mdo, Bongabong Oriental Mindoro, Bongabong.

31/10/2023
30/10/2023

Alam mo na ba ang iyong presinto sa pagboto? 🤔

Hanapin ang iyong presinto sa COMELEC Precinct Finder!

Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: BUONG PANGALAN, ARAW NG KAPANGANAKAN at LUGAR NG PAGPAPAREHISTRO.

I-scan ang QR code o i-click ang link na ito:

🔗 https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct


Magandang araw po. Sa lahat po ng  kabarangay,kapamilya.kapatid.kaibigan,kami po mg buong sanggunian ay humihingi ng pau...
11/06/2023

Magandang araw po. Sa lahat po ng kabarangay,kapamilya.kapatid.
kaibigan,kami po mg buong sanggunian ay humihingi ng paumanhin sa inyo pong lahat sapagkat ngayong darating na june 16.atin pong kapistahan,kapistahan po ng ating patron kamahal mahalang puso ni Jesus ay pansamatala po na di matutuloy ang mga activities po natin na gaganapin sana po natin sa covered court,sapagkat kasalukuyan pa pong ginagawa ang extension ng atin pong covered court.hinihingi po namin ang inyong malawak na pang unawa.maraming salamat po.Di naman po mawawala ang pagkilala po natin sa ating patron kaya po sa darating na June 15 ganap na ika 3:00 ng hapon ay magkakaroon po tayo ng prusisyon at sa darating po na June 16 ,ganap na ika 9:00 ng umaga ang atin pong Banal na misa,ang lahat po ay aming inaanyayahan ,maraming salamat pong muli.God Bless us all.

14/04/2023

Dakila ka Ate at Kuya ng pamilya 😍

Ikaw ang taga silbing magulang sa tuwing wala ang inyong ina at ama. Ipagpatuloy mo ang magandang gawain at pagtulong sa iyong pamilya at kakaawaan ka ng Poong Maykapal.

Darating din ang araw na makakamtan mo ang tagumpay. Laban lang!

God bless you!

-Ate Joan💚

27/02/2023
DILG Bongabong Municipality of Bongabong
27/02/2023

DILG Bongabong Municipality of Bongabong

Nag start po kmi ng hapag gulayan sa barangay february 1nag gawa ng plat at nag tanim kmi ay feb,4 so ayan na po ang ami...
27/02/2023

Nag start po kmi ng hapag gulayan sa barangay february 1nag gawa ng plat at nag tanim kmi ay feb,4 so ayan na po ang aming mga tanim salamat sa aming masisipag na mga konsehal BHW at mga CVÒ salamat po sa inyong pakikiisa, sa ating barangay,pag palain po tayong lahat,

MAPAGPALANG ARAW PO SA LAHAT! ANG PAMUNUAN PO NG AMING BARANGAY, BRGY. STA CRUZ SA PANGUNGUNA PO NG AMING BRGY.CAPTAIN A...
27/07/2022

MAPAGPALANG ARAW PO SA LAHAT!
ANG PAMUNUAN PO NG AMING BARANGAY, BRGY. STA CRUZ SA PANGUNGUNA PO NG AMING BRGY.CAPTAIN AMELIA PAKIG AT MGA KONSEHALES NG BRGY. AY BUONG PUSO PO NA NAGPAPASALAMAT SA ATING BUTIHING MAYOR DOC ELGIN MALALUAN SAMPU NG KAYANG VICE AT MGA KONSAHALES SA TULOY TULOY NA PAG PAPAGAWA NG AMING MINIMITHING TULAY PAPUNTANG PUROK MASAYA NA NOON AY LUBID LAMANG ANG GINAGAMIT UPANG MAKATAWID.
GAYON DIN PO ANG AMING PASASALAMAT SA ATING BUTIHING GOBERNADOR GOV. BONZ DOLOR SA PAGPAPATULOY NA PAGPAPASEMENTO NG KALSADA KONEKTADO PAPUNTANG TULAY NG PUROK MASAYA.
MARAMING SALAMAT DIN PO SA ATING MGA MANGGAGAWA SAPAGKAT KUNG HINDI DAHIL SA KANILA HINDI RIN PO MABUBUO NG TULAY AT PATULOY NA PAGSESEMENTO NG KALSADA.
MARAMING SALAMAT DIN PO SA MGA TAONG WALANG HUMPAY ANG SUPORTA AT PAGTULONG SA AMING BRGY.

HINDI MAN PO ETO AGARANG NAAKSYUNAN SAPAGKAT HINDI LAMANG PO TAYO ANG NAKARARANAS NG GANITONG SITWASYON SA ATING LUGAR PAMAYANAN, BAYAN, O LALAWIGAN. NGUNIT KUNG TAYO AY PATULOY NA MAY PAGSISIKAP, PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN AT PAKIKIPAGTULUNGAN SA PAMAHALAAN ETO PO AY ATING MAKAKAMTAN. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Ngayong umaga,Linggo ika-6 ng Hunyo,2021, Pinangunahan ng ating mahal na kapitana Amelia Pakig at mga konsehales ng bara...
06/06/2021

Ngayong umaga,Linggo ika-6 ng Hunyo,2021, Pinangunahan ng ating mahal na kapitana Amelia Pakig at mga konsehales ng barangay ang Regular Session na ginanap sa Brgy Covered Court hinggil sa paghahanda at maayos na pagpapadaloy sa mga gagawing activities sa Kapistahan ng Kamahalmahalang puso ni Hesus at Kapistahan ng ating minamahal na Barangay sa darating na Hunyo 7-8, 2021.

Narito ang mga activities na "Handog ng Pamunuan ng Brgy Sta. Cruz" sa pangunguna ni Kapitana Amie at mga Brgy Officials.

Day 1- June 07, 2021
> Feeding Program
> Libreng Gupit
> Free Medical Check up
(8:00 am- 5:00pm)

Day 2 - June 8, 2021
> Mass - 8:00am
> Libreng Gupit
> Community Pantry -9:30am-5:00pm

Bilang pagtalima na rin po sa mga Health Protocols na pinapatupad ng ating Bayan maging sa ating Barangay minarapat ng ating mahal na kapitana at mga konsehales na magkaroon ng Clustering Schedule ang Community Pantry per Sitio upang malimitahan ang bilang ng mga taong pupunta sa ating Brgy Covered Court.

Clustering Schedule (Community Pantry)
✓ Sitio Manambao- 9:30am
✓Sitio Bagong Sikat Upper - 10:30am
✓Sitio Bagong Sikat Lower - 11:30am
✓Sitio Purok - 1:30pm
✓Sitio Iwahig - 2:30pm
✓Sitio Water Fall - 3:30pm
✓Sitio Centro - 3:30pm

Kaya naman pinapaalala po namin sa lahat nating mga kabarangay na pupunta sa Brgy. Covered Court na magsuot ng facemask or faceshield, magkaroon ng social distancing na 1.5 metro ang layo sa katabi,maghugas ng kamay at gumamit ng alcohol at magdala na rin po ng kanya- kanyang lalagyan para sa community pantry.

Inaasahan po namin ang inyong suporta at pakikiisa sa ating mga activities. At ipinapaabot narin po ng Pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng tulong para maisakatuparan ang mga activities na ito.
Maraming maraming salamat po at patuloy po tayong lahat na pagpalain na poong Maykapal..

Ang amin pong brgy. Brgy. Sta Cruz sa pangunguna ng aming kapitana Kap. Amelia Seco Pakig at sampu ng kanyang mga Konseh...
29/08/2020

Ang amin pong brgy. Brgy. Sta Cruz sa pangunguna ng aming kapitana Kap. Amelia Seco Pakig at sampu ng kanyang mga Konsehales ay buong puso pong nag papasalamat sa mga taong sumuporta sa pagpapabakod at pagpapaganda ng aming covered court. Sa pangunguna po ng konsehal na katalaga sa aming barangay, Konsehal Arnold boy Vargas, Maraming salamat po! D namin ito magagawa kung wala ang suporta nyo. Ganon din po sa aming butihing Vice Mayor Totoy Candelario at Konsehal Niño Liwanag, sa aming kabarangay na si Mr /Mrs Anabel de Castro Remo, Eng. Jerome Bj Enriquez, Mr/Mrs. Joan Enriquez & Fernan Correa, sa dating Bokal Paulo Jean Umali. At sa ating mga kabarangay na tumulong at sumuporta sa paggawa at paglilinis, at gayun din kay Mr. Noli de Castro sa kanyang pag la-landscape upang lalong mapaganda ang aming covered court.
Muli po Maraming maraming salamat po!! At pagpalain pa po tayo ng Poong Maykapal😇😇😇

📸 ccto

28/07/2020

Nakikiusap po kami sa mga nagnanais na umuwi sa Barangay Sta Cruz Bongabong Or.Mindoro ay makipag ugnayan po muna kayo sa mga brgy. officials upang maiwasan po natin ang pagkakaroon ng problema maraming salamat po.

11/06/2020

Ang Barangay Sta Cruz po ay taos pusong ngpapasalamat sa pangunguna po ng ating butihing mayor Doc Elgin Malaluan at sa ating Vice mayor Totoy Richard Candelario kasama ang sangguniang bayan members,at sa ating DSWD sa pangunguna ni madam Judy Meonada sa relief goods na ipinagkaloob ninyo sa mamamayan ng Brgy.Sta Cruz maraming maraming salamat po.Ganun din po sa mga taong ipinadala ninyo upang mamahala nito ky Sir Manuel Selda Jr. at lalong higit po sa aming masipag at walang sawang gumagabay at sumusuporta sa aming mga kabaranggay Sir Elmer Siena maraming maraming salamat po .Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal.

Ang amin pong pasasalamat sa Provincial Governor ng Lalawigan ng Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, Vice Governor Att...
23/05/2020

Ang amin pong pasasalamat sa Provincial Governor ng Lalawigan ng Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, Vice Governor Atty. Jojo Perez, Board Members ng Segunda Distrito ng Oriental Mindoro, sa Pamahalaang Bayan ng Bongabong sa pangunguna ng ating butihing Mayor Elgin Malaluan , Vice Mayor Totoy Candelario at sa buong konseho sa mga tulong na natanggap ng mga biktima mula sa pananalasa ng Bagyong Tisoy. Bagaman nahaharap tayo sa pandemic Covid19, hindi nyo pa din po pinabayaan ang inyong mga kababayan mula sa aming Barangay Sta. Cruz na nasalanta ng nasabing bagyo.

Mabuhay po kayo sa inyong Dakila at Tapat na paglilingkod para sa ating mga kababayan! Patuloy po nawa kayong gabayan ng ating Panginoong Diyos.

We can and we will heal as ONE.❣️

Maraming mraming salamat po sa aming mababait n kabarangay kay Sir Macario Cubos at Maam Fely Cubos salamat po ng marami...
20/05/2020

Maraming mraming salamat po sa aming mababait n kabarangay kay Sir Macario Cubos at Maam Fely Cubos salamat po ng maraming mrami God Bless po..

Address

Bongabong Oriental Mindoro
Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sta Cruz Bongabong Or. Mdo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share