22/01/2022
Kilalanin ang mga uri ng Kolesterol na sinusukat sa isang Lipid Profile (Total Cholesterol, HDL, LDL, at Triglycerides)
KILALANIN ANG KOLESTEROL (LIPID) PROFILE
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan
May apat na tests sa kolesterol (lipid) profile:
1. TOTAL cholesterol. Suma total ng cholesterol sa dugo.
2. High-density lipoprotein (HDL) cholesterol. Ito ang tinatawag ng GOOD cholesterol. Tinatangay nito ang bad cholesterol para hindi bumara sa mga ugat. Ang pagbara ng mga ugat nang dahil sa bad cholesterol ang nagiging sanhi ng heart attack at stroke.
3. Low-density lipoprotein (LDL) cholesterol. Ito ang tinatawag na BAD cholesterol. Puwede kasi itong mag-deposito sa mga ugat at maging cholesterol plaque na bumabara sa daloy ng dugo sa puso at sa utak. Kapag tuluyang bumara o pumutok ang mga cholesterol plaque, nauuwi ito sa heart attack o stroke.
4. Triglycerides. Kung may sobrang calories na nakain, tinatago muna ng katawan ang hindi kailangan sa ating mga fat cells (taba) bilang triglycerides. Tumataas ang triglycerides kung naninigarilyo, mataba o overweight, at sa labis na pagkain ng matamis o pag-inom ng alak. Umaakyat din ang triglycerides kung hindi kontrolado ang diabetes at kulang sa ehersisyo.
Magpatingin sa doktor kung kailangang magpa-check ng cholesterol profile. Ang doktor din ang puwedeng magbasa ng resulta para mabigyan ka ng payo kung anong dapat sunod na gawin â tulad ng pag-inom ng gamot para sa mataas na kolesterol.