31/12/2025
𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝗴𝗮𝘁 𝗼 𝗽𝗮𝘀𝗼 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗽𝘂𝘁𝗼𝗸
- Huwag balewalain kahit maliit na sugat.
- Hugasan agad ang sugat ng sabon at malinis na tubig.
- Takpan ng sterilized gauze bandage.
- Diinan ang bahaging may sugat para tumigil ang pagdurugo.
- Pumunta agad sa healt center o ospital para sa agarang lunas.
Kung makaranas ng paso, sugat, matinding pananakit, pamumula, pamamaga, o anumang pinsalang dulot ng paputok, agad na magtungo sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar upang masuri at mabigyan ng tamang lunas.