
06/08/2025
AUGUST 6 IS FARMWORKER APPRECIATION DAY | Mabuhay ka, Mabuhay tayong Lahat!
"Salamat sa ating mga bayani. Salamat sa ating mga magsasaka!"
"Bawat butil ng bigas ay kwento ng pawis, pagod, at pangarap ng ating mga magsasaka. Sa ilalim ng araw at ulan, patuloy silang kumakayod para walang Pilipinong magutom.
Hindi tayo papayag na manatiling nakayuko sa hirap ang mga nagpapakain sa atin. Karapatan nilang maramdaman ang katarungan sa presyo, ang suporta mula sa gobyerno, at ang pag-asang may kasamang konkretong aksyon.
Sa ating mga magsasaka, kayo ang tibok ng puso ng bayan. Salamat sa kabayanihan na araw-araw naming tinatamasa sa bawat hapag. 🌾🇵🇭"
📸: Sen. Kiko Pangilinan FB page