19/10/2024
MUNICIPAL HEALTH OFFICE | SAN MIGUEL, BULACAN BLOOD LETTING ACTIVITY
MATAGUMPAY NA BLOODLETTING ACTIVITY PARA SA TAONG 2024! 🩸
Ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel sa pamumuno at patnubay ng ating Punong Bayan, Igg. Roderick DG. Tiongson, ng ating Ikalawang Punong Bayan, Igg. John “Bong” Alvarez, ng ating Municipal Health Officer Dr. Hamir Chin-Hechanova at ng bumubuo ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan ay ipinababatid na naging matagumpay ang ating Bloodletting Activity para sa taong kasalukuyan.
Ginanap ang MEGA BLOOD DONATION ng ating bayan noong Oktubre 17, 2024 sa ating New Municipal Gymnasium kung saan ito ang bumuo sa bilang upang makamit ng ating bayan ang nakatakdang bilang ng mga BLOOD DONORS, at sa katunayan tayo po ay sumobra pa rito.
Ang BLOOD DONORS TARGET po ng ating bayan para sa taong 2024 ay 1,771 at para po sa kaalaman ng lahat ang ating bayan po ay nakapag bigay ng magigiting at mga bayaning BLOOD DONORS na may bilang na 1,865 para sa buong taon.
Ang ating Bloodletting Activity ay patuloy na tinututukan ng ating Departamento upang tayo ay makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at upang makapagdugtong pa ng buhay lalo’t higit ng ating mga kababayan.
Hiling namin ang patuloy na suporta ng ating mga kababayan para sa mga aktibidad at mga programang makapag aangat pa at makatutulong para sa ating mga kababayan sa sektor ng kalusugan.
Para din po sa ating mga naging katulong upang maging matagumpay ang aktibidad na ito para sa buong taon, ipinaabot po ng Pamahalaang Bayan at ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan ng San Miguel ang aming pasasalamat sa mga sumusunod:
- Bulacan Provincial Health Office
- Bulacan Provincial Blood Center
- Philippine Red Cross Bulacan Chapter
- Rotary Club of Metro San Miguel
Hindi rin po magiging posible ito kung wala ang mga taong nasa likod nito na patuloy na lumalapit sa ating mga kababayan upang ipaliwanag ang kahalagahan ng ating mga programa:
- Dr. Hamir Chin-Hechanova (M.H.O.)
- Dr. Ma. Corazon Eguia (R.H.P.)
- Dr. Ramil Ramos (R.H.P.)
- Dr. John Mark Dela Cruz (R.H.P.)
- Dr. Mark Arnold Gatus (R.H.P.)
- Mrs. Kaye Ann Del Rosario,RMT (Blood Program Coordinator)
- Mrs. Erlinda Dumlao,RM (Blood Program Asst. Coordinator)
- Ang ating mga Public Health Nurses, Medtechs, Midwives, at iba pang mga kasamahan sa ating Municipal Health Office
- Ang ating masisipag na mga Barangay Health Workers (BHW’s)
- Mga kapitan ng bawat Barangay
- Mga Konsehal on Health ng bawat Barangay
- First Scout Ranger Regiment (F.S.R.R.)
At higit sa lahat para po sa aming mga minamahal na San Migueleños maraming salamat po sa inyong suporta, kami po ay umaasa na sa susunod na mga taon tayo pa din ay magkikita kita para sa ating mga programa at aktibidad!