ICAH Pharmacy

ICAH Pharmacy Affordable, Accessible, & A+ Quality Service 💯

Visit ICAH Pharmacy for a trusted and caring healthcare experience.

Your health is our priority! 🫰

We look forward to serving you! 🩵💜🧡

27/09/2025

DOH: GENERICS NA GAMOT, LIGTAS AT MABISA KATULAD NG BRANDED

Abot-kaya ang generics na gamot. Epektibo at de-kalidad rin ito katulad ng mga gamot na branded.

Alinsunod sa Generics Act of 1988, paalala ng DOH:

✅ Dapat na may generic name ang gamot sa iyong reseta

✅ Dapat nakasulat nang malinaw at nakalagay sa itaas ng brand name ang generic name sa lahat ng labels, ads, at iba pang promotional materials

Tandaan: Kumuha lang ng mga gamot sa mga lihitimong health centers, klinika, at botika para makasigurong ligtas ang gamot na mabibili o makukuha.




27/09/2025

❗️40% sa kaso ng Alzheimer’s, Kayang Maiwasan o Mapigil ang Paglala❗️

Ayon sa World Health Organization, hanggang 40% ng mga kaso ng Alzheimer’s ay maaaring maiwasan o mapigil ang paglala sa pamamagitan ng:

✅regular na ehersisyo
✅masustansyang pagkain
✅cognitive stimulation - malusog na aktibidad para sa isip
✅regular na management ng highblood at diabetes
✅maagang pagkonsulta sa Mental Health Access Sites: https://bit.ly/MAP-MHAccessSites




27/09/2025

❗MAAGANG THERAPY, NAPAPABUTI ANG KONDISYON NG CEREBRAL PALSY PATIENTS❗

Ayon sa isang pag-aaral, ang maagap na therapy ng mga batang may Cerebral Palsy—lalo na bago magdalawang taong gulang—ay nakapagpapabuti sa kanilang galaw, pakikipag-usap, at pang araw-araw na aktibidad.

👩‍🍼 Simulan agad ang physical, occupational, at speech therapy
🏫 Magparehistro ng PWD ID sa inyong LGU para sa benepisyo at serbisyo
💡 I-avail ang PhilHealth Z-Benefit para sa mobility aids at follow-up care

Source: Morgan et al., JAMA Pediatrics, 2021




27/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulong—isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





27/09/2025

Ang leukemia ay isang uri ng kanser sa dugo at bone marrow. Ito ay kabilang sa top 5 na sanhi ng pagkamatay dahil sa kanser sa mga Pilipino.

Ang paninigarilyo, history ng chemotherapy at family history ay nakakapagpataas ng tsansa na magkaroon ng Leukemia.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, magpakonsulta kaagad sa inyong healthcare worker para magabayan sa angkop na gamutan.

Handa ang DOH para tumulong sa mga pasyenteng may Leukemia, alamin kung anu-ano ang mga ito: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory, 2022




27/09/2025

Ang mga kanser sa dugo ay mga ‘silent killer’ na matutugunan ng maagap na gamutan, kapag maaga ring na-diagnose.

🩺 Magpatingin agad pag may napansin sa mga sumusunod na warning signs:
Pamumutla
Panghihina
Madalas o matagal na lagnat
Namamagang kulani na hindi masakit
Biglang pagbagsak ng timbang

💡 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo, basahin ang mga nasa sumusunod na link: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory




27/09/2025

HIGIT 80% SA MGA BATANG MAY KANSER, PWEDENG GUMALING SA MAAGANG DIAGNOSIS AT GAMUTAN

🩺 Agad na ipatingin ang bata sa doktor kung may paulit-ulit o hindi maipaliwanag na lagnat, pasa, bukol, o iba pang kakaibang sintomas. Regular dapat ang check-up ng mga bata.

💡 Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga benepisyo, basahin ang mga nasa sumusunod na link: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: Global Cancer Observatory




27/09/2025

❗️DOH: PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️

4/10 na Pilipino ay obese. Ang obesity ay isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan, at maaaring umangat ang panganib sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes (Type 2), at stroke.

🥦🏃Piliin ang healthy ang gawin ang mga sumusunod:
✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang matatamis, maalat, mamantika, at matataba (4Ms)
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ Magpasuri nang maaga upang matiyak na ang timbang, taas, at sukat ng baywang ay akma sa iyo
✅ Iwasang magpuyat

Source: DOST-FNRI, National Nutrition Survey 2023




📣 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁, 𝗞𝗮-𝗜𝗖𝗔𝗛! 🩵💙💜🧡Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa “Bantay Kalusugan 2025: Mobile Labor...
10/09/2025

📣 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁, 𝗞𝗮-𝗜𝗖𝗔𝗛! 🩵💙💜🧡

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa “Bantay Kalusugan 2025: Mobile Laboratory” noong September 7! Ang inyong walang-sawang suporta sa programa at sa ICAH Pharmacy ang patuloy na nagbibigay lakas at inspirasyon sa amin upang mas lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo.

Sa ICAH Pharmacy, hindi lang gamot ang aming inihahandog — kundi tunay na malasakit sa inyong kalusugan at kagalingan.

𝗪𝗲 𝗱𝗼𝗻’𝘁 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗼𝗳𝗳𝗲𝗿 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗶𝗻𝗲𝘀 — 𝘄𝗲 𝘁𝗮𝗸𝗲 𝗰𝗮𝗿𝗲 𝗼𝗳 𝘆𝗼𝘂 & 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵. 🫶

Mula sa puso, maraming salamat sa pagtitiwala. Nawa’y patuloy tayong maging magkasama sa mas malusog at mas magandang kinabukasan. 💊🌿




05/09/2025

❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗

Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan at sa iba pang mga serbisyo para sa mga kalalakihang na-diagnose na may Prostate Cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Maging alisto sa mga sintomas ng Prostate Cancer. Kapag may napansing mga sintomas, magpakonsulta kaagad sa pinakamalapit na health center.

Panatilihing malusog ang pangangatawan para mapababa ang tsansa na magkaroon ng kanser!
📌Kumain ng tama! Damihan ang gula at prutas, iwasan ang maaalat at matataba
📌Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto kada araw
📌Huwag manigarilyo at uminom ng alak

Source: Global Cancer Observatory, 2022




05/09/2025

EPILEPSY KAYANG MACONTROL

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 50 milyong tao sa buong mundo ang may epilepsy. Sa tamang pagsusuri at gamutan, hanggang 70% ang maaaring mabuhay nang walang seizure.

✅ May lunas sa pamamagitan ng anti-epileptic na gamot
✅ Regular na monitoring at suporta mula sa pamilya at komunidad

💡 Mahalaga rin ang kaalaman sa first aid—kahit sino ay puwedeng makatulong sa oras ng seizure.

Maaaring magpunta sa ang mga Mental Health Access Sites o sa pinakamalapit
na health center para sa tulong:
👉 https://bit.ly/MAP-MHAccessSites
– Libreng konsultasyon
– Serbisyong medikal
– Referral sa espesyalista
– Suporta sa pamilya at tagapag-alaga




05/09/2025

✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!

2026 is just 122 days to go!




Address

Bato Street , Sitio Bato, Guyong, Sta. Maria
Bulacan
3022

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm
Friday 8am - 7pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639564395376

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ICAH Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to ICAH Pharmacy:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram