08/10/2022
Walang inaksayang oras ang ating Rescue Team sa tawag ng tungkulin ng ipabatid ng isa nating kasamahang Responder
at pagsadya sa ating tanggapan ng mga Brgy Tanod ng Bambang upang ireport ang naganap na aksidente sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa mga naka saksi ng pangyayari, tatlong kabataan ang magkaka angkas sa iisang motor na pawang nasa impluwensiya ng alak ang may iniwasang motor at
nawalan ng kontrol , ngpa gewang gewang, pagbagsak na naging sanhi ng aksidente.
Ang mga biktima ay residente ng Brgy. Sta Ana ay nagtamo ng galos sa mukha, tuhod at pananakit ng katawan.
Maagap na pagtugon, paglalapat ng paunang lunas at mabilisang naisugod ng ating Rescue Team sa pinakamalapit na pagamutan sa ating Emergency Hospital at kalaunan ay inilipat sa Bulacan Medical Center.
Sa kabutihang palad ligtas naman ang mga biktima at naihatid na rin natin sa kani kanilang tahanan.
To God Be All the Glory!
Binagong Bulakan..
Sama sama pa rin
MVMCares❤
Responders
YourQuickResponseTeam