Nutrisyon ng Bulakin Uno, Tuloy ang Pag-Asenso

Nutrisyon ng Bulakin Uno, Tuloy ang Pag-Asenso Nutrition initiatives for the constituents of Barangay Bulakin I

Sa anim na linggong pakikipagtulungan sa Brgy. Bulakin I, Dolores, Quezon, ang limang praktikumers mula sa UPLB BS Nutri...
31/03/2024

Sa anim na linggong pakikipagtulungan sa Brgy. Bulakin I, Dolores, Quezon, ang limang praktikumers mula sa UPLB BS Nutrition ay nagtagumpay sa pagsasagawa ng pitong interbensyong pangnutrisyon.

(1) Angat Barangay: BHW at BNS Bilang Tulay ๐Ÿซฑ๐Ÿปโ€๐Ÿซฒ๐Ÿป
(2) Angat BNC: Bayani ng Community ๐Ÿ’ช๐Ÿป
(3) Gulayan sa Bulakin, Ating Pagyamanin ๐ŸŒฑ
(4) Pag-asa Mula sa Pabasa: Wastong Gabay kay Mommy Para sa Tamang Nutrisyon ni Baby ๐Ÿ“–
(5) Whatโ€™s Cookinโ€™ Bulakin: Swak sa Bulsa, Sagana sa Sustansya ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿณ
(6) Dagdag Kabuhayan, Bagong Ugnayan (Kalabasa Ice Cream Recipe Development) ๐Ÿฆ
(7) SISA: Saligan ng mga Impormasyong Swak sa mga Nanay na Aktibong Nagpapasuso (Breastfeeding Support Group) ๐Ÿคฑ๐Ÿป

Sa bawat hakbang ng aming mga proyekto at aktibidad, kasama namin ang Barangay Development Council, Barangay Nutrition Committee, at ang dedikadong labing-tatlong mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.

Sa bawat araw, nakita namin ang dedikasyon ng bawat isa sa pagtataguyod ng kalusugan at nutrisyon sa komunindad. Dahil sa inyong tulong at suporta, natamo natin ang tagumpay na ito.

Kung kayaโ€™t kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng aming nakasama sa mga nakaraang linggo. Kami ay umaasa na ang lahat ng nasimulan ay maipagpapatuloy, at lahat ng naiambag ay magdudulot ng patuloy na pag-unlad. Nawaโ€™y mapanatili ang pagkakaisa at pagmamahal para sa mas malusog at masiglang komunidad.

Gayundin, nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga nag-abot ng tulong-pinansyal at donasyon upang maisakatuparan ang mga nasabing interbensyong pang-nutrisyon. Kung hindi po dahil sa inyong tulong at kabutihan ay hindi po namin maisasagawa ang aming mga programa, proyekto, at aktibidad.

Muli, mula po sa aming puso, maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli, Barangay Bulakin I! โฃ๏ธ

๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—œ, ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ผ!
- ๐˜“๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ, ๐˜“๐˜ข๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ, ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ, ๐˜ ๐˜ฏ๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜’๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข

31/03/2024

๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™—๐™š๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ-๐™ฃ๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™–๐™ฌ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™‹๐™‡๐˜ฝ ๐™‹๐™ง๐™–๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™˜๐™ช๐™ข๐™š๐™ง๐™จ ๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™ž๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ ๐™๐™ฃ๐™ค... โœจ

๐Œ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š! ๐ŸคฉTaos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat nang nakilahok sa fundraising initiative na ๐ŸŽŸ๏ธ ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐˜€...
30/03/2024

๐Œ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐จ ๐ง๐š! ๐Ÿคฉ

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat nang nakilahok sa fundraising initiative na ๐ŸŽŸ๏ธ ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ: ๐—ฅ๐—ฎ๐—ณ๐—ณ๐—น๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐—ฒ. Kami po ay lubos na nagagalak sa inyong pagsuporta sa aming layunin na mangalap ng pondo para sa mga programang pangnutrisyon sa Brgy. Bulakin I, Dolores, Quezon. ๐Ÿ 

Malugod din naming binabati ang mga nanalo sa ginanap na raffle draw noong ika-26 ng Marso.
๐Ÿฅ‡๐— ๐—ฎ๐—ท๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐˜€:
1st Prize (20kgs Dumbbell Set) - Sigmund Gene Tia
2nd Prize (Non-slip Workout Mat) - Adam Calamba
3rd Prize (Jumping Rope) - Mary Carmel Afable
๐Ÿฅˆ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ผ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐˜€:
Resistance Band Set - Shirley Villasis
Protein Shaker - Alberto Herrera at Mary Carmel Afable
Salad Portable Cup - Katie Castillo at Jhane Escoza

Gaya po ng aming ipinangako, lahat po nang sumali sa aming raffle ay makakatanggap ng isang ๐Ÿ“’ ๐——๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ-๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ, na dinisenyo upang tulungan ang mga Pilipino na magsimula o manatiling aktibo mula sa kanilang mga sariling tahanan. Amin po itong ipinadala via email. ๐Ÿ“ง Kung kayo po ay hindi pa nakakatanggap, maaaring mag-message lang po sa aming FB page.

Muli, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Sana ay patuloy ninyong isapuso ang diwa ng pagtulong at pagmamalasakit. ๐Ÿ’–๐Ÿซก

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐Ÿณ: ๐——๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿ’ฐ๐ŸฆNoong Marso 21, 2024, isinagawa ang "Dagdag Kabuhayan, Bagong Ugnayan" a...
29/03/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐Ÿณ: ๐——๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿ’ฐ๐Ÿฆ

Noong Marso 21, 2024, isinagawa ang "Dagdag Kabuhayan, Bagong Ugnayan" at ipinresenta ng UPLB BS Nutrition Practicumers ang livelihood project sa isang pagtitipon na kasama ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Health Workers. Kabilang din sa mga dumalo ang Barangay Captain, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ng Bulakin I.๐ŸŒŸ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ง

Nagsimula ang presentasyon sa pamamagitan ng panonood ng video tutorial, kung saan ipinakita ang proseso ng paggawa ng Kalabasa Ice Cream. ๐ŸŽƒ๐Ÿฆ Kasunod ng video, nagkaroon ng isang malawak na talakayan ukol sa standardized recipe at maingat na costing strategy. Binigyang pansin din kung paano tiyakin ang konsistensiya ng produkto, kalidad, at financial viability, na nagpapakita ng potensyal ng proyekto bilang isang sustainable na mapagkukunan ng kita para sa komunidad.๐Ÿ’ฐ

Sumunod ang isang sesyon ng sensory evaluation, na nagbibigay sa mga dumalo ng pagkakataon na matikman ang Kalabasa Ice Cream. Ang mahalagang yugtong ito ay nagbigay-daan sa agarang feedback sa lasa, teksto, at kabuuang kalidad ng ice cream. ๐Ÿจ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ฆโ€๐Ÿ‘ฆ

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ: ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—”: ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ผNagsimula na ang ating breastfeed...
29/03/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ: ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—”: ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ผ

Nagsimula na ang ating breastfeeding support group! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘ถ๐Ÿคฑ Sa ating pambungad na sesyon noong Marso 19, 2024, pinaanyayahan natin ang mga kasapi ng ating breasftfeeding support group na โ€œSISA: Saligan ng mga Impormasyong Swak sa mga Nanay na Aktibong Nagpapasusoโ€ .๐Ÿ’–

Ito ay isang pagpapakilala kung saan ipinaliwanag ang layunin ng grupo at itinakda ang mga inaasahang aktibidad sa mga susunod na pagpupulong. ๐Ÿ“…๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ง Kasama rin sa mga tinalakay ang mga dapat asahan na gawain sa grupo, tulad ng pakikilahok sa Facebook group at mga pagpupulong, ang pag-re-recruit ng mga bagong ina, ang pagsiguro ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon, at mga tamang pagkukunan ng mga impormasyon at tulong tungkol sa pagpapasuso. Ipinakita rin nating ang tamang mga teknik sa pagpapasuso. ๐ŸŒŸ๐Ÿคฑ

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—” ๐Ÿฐ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ: ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜† ๐Ÿคฐ๐Ÿ’กNagsimula ang Phase 1 ng...
29/03/2024

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—” ๐Ÿฐ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ: ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜† ๐Ÿคฐ๐Ÿ’ก

Nagsimula ang Phase 1 ng proyektong ito noong March 9, 2024, kung saan lahat ng Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) ay dumalo sa isang oryentasyon tungkol sa Pabasa sa Nutrisyon. Sa araw na ito, nagkaroon ng diskusyon tungkol sa buod ng Pabasa, pati na rin ang mga laro o aktibidad na nakapaloob sa Nutri Guide. ๐Ÿ“’

Upang maipagpatuloy ang Pabasa sa mga susunod na taon, nagkaroon din ng Pabasa sa Nutrisyon Leaders Training (Phase 2) noong ika-13 hanggang ika-15 ng Marso, 2024. Limang BHW/BNS ang dumalo sa kumpletong sesyon nito. Ang layunin ng tatlong araw na training ay madagdagan ang kaalaman ๐Ÿง  at mahasa ang galing ๐Ÿ“ pagdating sa usaping nutrisyon ng mga kalahok. Ito na rin ang kanilang naging pagsasanay upang maging opisyal na Pabasa Leader sa Brgy. Bulakin I.

Apat na araw matapos ang training, ang mga Pabasa Leaders ay sama-samang isinagawa ang Aktuwal na Pabasa sa Nutrisyon (Phase 3) kasama ang walong (8) nanay at (1) tatay sa Bulakin I Day Care Center. Ang lahat ng mga dumalo ay nakilahok sa diskusyon at mga aktibidad na may kinalaman sa nutrisyon. ๐Ÿฝ๏ธ Bilang pasasalamat sa kanilang aktibong partisipasyon, ang lahat ay nakatanggap ng sertipiko at isang balot ng vermicast at punla ng mga gulay na maaaring itanim nila sa kanilang mga bakuran. ๐Ÿชด

Sa Hulyo 2024 inaasahang maituloy ang Pabasa sa barangay base sa BNAP 2024 at Plan of Action. Sa kasalukuyan, lubos na ikinagagalak ng mga practicumers na mayroon ng limang (5) Pabasa Leaders sa Brgy. Bulakin I. โค๏ธ

Tiyak na ang Nutrisyon ng Bulakin Uno, Tuloy ang Pag-asenso! โฌ†๏ธ

26/03/2024

Nasimulan mo na ba ang New Yearโ€™s Resolution mo na ? ๐Ÿง
Kung hindi pa, donโ€™t worry! We gotchu!
Simulan mo na ang iyong fitness journey sa pamamagitan ng pagsali sa aming fundraising raffle na pinamagatang, โ€œ๐‘๐จ๐ฅ๐ž๐ญ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ฌ๐ฒ๐š.โ€ ๐ŸŽก๐Ÿ’ช๐Ÿป
Sa halagang Php 50, mayroon kang tsansang manalo ng (1) dumbbell set ๐Ÿ‹๏ธโ€โ™€๏ธ, (2) yoga mat ๐Ÿง˜โ€โ™€๏ธ, (3) jumping rope ๐Ÿคธ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ , at iba pang mga kagamitang pang-ehersisyo! Ang malilikom na pondo mula sa raffle na ito ay makakatulong sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa Barangay Bulakin I, Dolores, Quezon. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Sundin lamang ang mga sumusunod na panuto para makasali.
1. Punan ang Order Form sa link na ito: bit.ly/RoletaNgSustansya
2. Ipadala ang bayad sa mga sumusunod na payment channels:
โ€ข Gcash: 0963-659-1957 (Laurence Cerado)
โ€ข Landbank at BDO (tingnan ang QR code na naka-post)
3. I-screenshot at i-upload ang Proof of Payment sa Order Form.
4.Abangan ang mga mananalo sa raffle draw at tumutok sa aming Official page.
Bilang pasasalamat sa inyong walang sawang suporta, lahat nang sasali sa aming raffle ay makakatanggap ng LIBRENG ACCESS sa isang ๐Ÿ“”๐‡๐จ๐ฆ๐ž-๐›๐š๐ฌ๐ž๐ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐จ๐ฎ๐ญ ๐†๐ฎ๐ข๐๐ž๐Ÿ“” na tiyak makatutulong sa iyo para makamit mo ang iyong ! ๐Ÿ’ช๐Ÿป
Ano pang hinihintay mo? Bili ka na ha! ๐Ÿค—
Maraming salamat po. โค๏ธ

๐—š๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป, ๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป (๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐Ÿฎ)Noong ika-17 ng Marso, nagsama-sama ang mga practicumers, Brgy. Health Wor...
26/03/2024

๐—š๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป, ๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป (๐—ฃ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐Ÿฎ)

Noong ika-17 ng Marso, nagsama-sama ang mga practicumers, Brgy. Health Workers, Councilor for Agriculture, at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Bulakin I upang linisin at pagandahin ang community garden ng barangay. ๐Ÿชด

Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng nabuong gardening committee, nakapaglagay ng panibagong tarpaulin sa gulayan at naitanim ang mga sibol ng pechay at mustasa sa lupang may halong vermicast. Bukod pa rito, nakapagpatayo rin ng pansamantalang bakuran sa paligid ng mga tanim. ๐ŸŽ‹

Sa kasalukuyan, ang gulayan ay araw-araw na binibisita at dinidiligan ng mga kasapi ng gardening committee.๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพ Sa pamamaraang ito, masisigurong ang mga tanim ay maaalagaan at sisibol pa ng mas maganda. โœจ

Ang mga practicumers ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakasama sa pagbuo, pagpapaganda, at pagpapanatili ng Brgy. Bulakin I Community Garden. โค๏ธ

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐Ÿฒ: ๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜'๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป', ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป?: ๐—ฆ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—น๐˜€๐—ฎ, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ!Noong ika-16 ng Marso, ginanap ang โ€œWhatโ€™s Cook...
18/03/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐Ÿฒ: ๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜'๐˜€ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป', ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป?: ๐—ฆ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—น๐˜€๐—ฎ, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ!

Noong ika-16 ng Marso, ginanap ang โ€œWhatโ€™s Cookinโ€™ Bulakin: Swak sa Bulsa, Sagana sa Sustansya.โ€ Ang interbensyon na ito ay isang nutrition education seminar ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ at cooking demonstration ๐Ÿณ na ginanap sa Bulakin Elementary School.

Sa pangunguna ng UPLB BS Nutrition Practicumers, kasama ang ilang Barangay Health Workers at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Bulakin I, naging matagumpay at maayos ang daloy ng programa. Dalawang maikling diskusyon ang naganap: (1) ang susi sa balenseng pagkain ๐Ÿ› at (2) pagplaplano, pagbili, at paghahanda ng masustansiyang pagkain ๐Ÿ›’. Tatlong ibaโ€™t ibang putahe naman ang niluto ng mga dumalo, kabilang dito ang meaty veggie patty, instant noodles with veggies and egg, at sinigang na corned beef. Ang mga putaheng ito ay siniguradong sagana sa sustansya at swak sa bulsa na tiyak magugustuhan ng bawat miyembro ng pamilya. ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ฆโ€๐Ÿ‘ฆ

Sa pagtatapos, nag-uwi ang lahat ng mga kalahok ng bayong na may nilalamang mga ingredients para kanilang subukang ang mga recipe sa kani-kanilang mga tahanan. ๐Ÿ 

Nagpapasalamat ang mga UPLB BS Nutrition Practicumers sa mga nanay na dumalo at nagpalamas ng kanilang angking galing sa pagluluto sa ginanap na cook off. Patuloy natin abangan ang natitira pang mga proyekto ng UPLB BS Nutrition Practicumers sa kanilang huling linggo sa Brgy. Bulakin I. ๐Ÿงก

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฏ - ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ก๐—–: ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐Ÿค๐ŸปUpang masiguro na ang nutrisyon sa Bulakin I ay patuloy ang pag-asenso, is...
12/03/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฏ - ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ก๐—–: ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐Ÿค๐Ÿป

Upang masiguro na ang nutrisyon sa Bulakin I ay patuloy ang pag-asenso, isinagawa ng UPLB BS Nutrition Practicumers ang โ€œAngat BNC: Bayani ng Community.โ€ Isa itong oryentasyon na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Nutrition Committee (BNC) at ibang miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bulakin I, noong Marso 9, 2024. Ang layuning ng proyekto na ito ay mas mapagtibay ang naitatag ng samahang pang-nutrisyon noong nakaraang taon. ๐Ÿ“

Sa araw na ito, limang ibaโ€™t ibang paksa ang tinalakay ng mga practicumers. Kabilang rito ang isang diskusyon tungkol sa kung ano ang BNC, mga tungkulin ng mga miyembro nito, at ibaโ€™t ibang bahagi ng Barangay Nutrition Action Plan o BNAP. Naturuan din ang mga kalahok kung paano mag-compute ng age in months, at ang kaibahan ng nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions. Parte rin ng programa ang pagtuturo sa mga kalahok ng kumpletong proseso ng Nutrition Planning and Program Cycle. Ang huling paksa naman ang siyang nagtalakay ng utilisasyon ng badyet para sa katuparan ng mga programa, proyekto, at aktibidad na nakalista sa BNAP. โœ๐Ÿป

Pagkatapos ng diskusyon, nagbigay ng makabuluhang pagtatapos na mensahe si Kapitan Rico R. Adriano sa mga kalahok at mga practicumers. Iginawad din ng mga practicumers ang sertipiko sa lahat ng mga nakadalo sa nasabing proyekto. Nagpapasalamat ang mga practicumers sa lahat ng mga dumalo - sa kapitan ng Bulakin I, mga Konsehal, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, Barangay Nutrition Scholars, KALIPI President, Day Care Worker, BHW President, at SK Chairman. ๐Ÿ‘ฅ

Dalawang linggo na lamang ang natitira pero marami pa kayong dapat abangan. Kaya naman patuloy niyo kaming samahan sa pag-abot ng layuning maitaas ang antas ng nutrisyon sa Bulakin I. Maraming salamat po! โœจ

๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ ๐™„ ๐ŸคAng UPLB BS Nutrition Practicumers ay nagpatawag ng maikl...
10/03/2024

๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ง๐™œ๐™ฎ. ๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ ๐™„ ๐Ÿค

Ang UPLB BS Nutrition Practicumers ay nagpatawag ng maikling pagpupulong kasama ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Bulakin I noong ika-9 ng Marso, Sabado. ๐Ÿ—“๏ธ

Dumalo sa pagpupulong na ito sina Mary Nof Chozas (SK Councilor for Health) โš•๏ธ, Rexcel Caneo (SK Councilor for Agriculture) ๐ŸŒฑ, at Rico Dimaano (SK Councilor for Sports) ๐Ÿ€.

Sa pagpupulong na ito iprinesenta ng mga practicumers ang kanilang mga interbensyong pang-nutrisyon para sa barangay. Pinag-usapan din ang posibleng pagtutulungan upang makamit ang tagumpay ng mga susunod pang proyekto ng mag-aaral.

Lubos na nagpapasalamat ang mga practicumers sa Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Bulakin I sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng kanilang gawain. ๐Ÿงก

Nutrisyon ng Bulakin Uno, Tuloy ang Pag-asenso! โฌ†๏ธ

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ | ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†: ๐—•๐—›๐—ช ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ก๐—ฆ ๐—•๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐Ÿ‘ฅNoong Marso 6, isinagawa ng UPLB BS Nutrition Practicumers ang isa...
08/03/2024

๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ | ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†: ๐—•๐—›๐—ช ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ก๐—ฆ ๐—•๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐Ÿ‘ฅ

Noong Marso 6, isinagawa ng UPLB BS Nutrition Practicumers ang isang training-workshop para sa mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng Bulakin Uno. Ginanap ito sa Bulakin I Barangay Hall, mula 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon. ๐Ÿ•Ÿ

Sa ilalim ng proyektong โ€œAngat Barangay: BHW at BNS Bilang Tulay,โ€ ang mga kalahok ay nakatapos ng limang (5) modyul. Kabilang rito ang rebyu sa pagsukat ng timbang at taas ng mga sanggol at mga bata ๐Ÿ“, digitisasyon ng mga anunsyo ๐Ÿ’ป, paggawa ng lactation corner ๐Ÿคฑ, at oryentasyon ng Pabasa sa Nutrisyon ๐Ÿ“’. Ang bawat paksa ay may kaakibat na aktuwal na,
aktibidad upang hasain ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok.

Sa huling bahagi ng programa, nagkaroon ng paggagawad ng sertipiko ng pagdalo para sa mga BHWs at BNSs. Ganoon din ay nangyari ang maikling pagbabahagi sa naging tagumpay ng naunang proyektong, โ€œGulayan sa Bulakin, Ating Pagyamanin.โ€ ๐ŸŒฑ

Lubos na nagpapasalamat ang mga practicumers sa suporta ng Sangguniang Barangay ng Bulakin I. Mangyaring umantabay lamang sa page na ito upang makibalita sa implementasyon ng mga interbensyong pang-nutrisyon. โค๏ธ

Address

Bulakin

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nutrisyon ng Bulakin Uno, Tuloy ang Pag-Asenso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category