23/12/2025
BAGONG SUPPLY NG MGA GAMOT PARA SA BOTIKA NG BAYAN
Dumating na sa Botika ng Bayan ang mga gamot na personal na hiningi ni Mayor Romeo A. Gordola mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO upang madagdagan ang suplay ng Botika ng Bayan. Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na gamot para sa lahat bulaneño lalo na sa mga nangangailangan.
Malaking tulong ang donasyong ito upang matugunan ang mga karaniwang karamdaman at mabawasan ang gastusin ng mga residente ng Bulan sa kalusugan. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LGU Bulan sa pangunguna ni Mayor Gordola sa PCSO at iba pang ahensya upang mapanatili ang maayos na serbisyong medikal sa bayan.