30/06/2021
BEAUTY AND HEALTH
BAKIT MO KAILANGANG MAGPAMASAHE?
οΏΌ
Marami ang nag-iisip na ang pagpapa-body massage ay isa lamang luxury o indulgence. Pero ang totoo ay napakarami nitong benepisyo hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa mental at emosyonal na aspeto.
REDUCES STRESS, ANXIETY, DEPRESSION
Ang masahe ay nakaka-reduce ng stress levels sa karamihan ng mga tao. Nakakatulong din ito sa pagma-manage at pagre-reduce ng symptoms ng anxiety at depression. Ayon sa report ng Associated Bodywork & Massage Professionals, ang masahe ay nakapagbibigay ng iba pang benepisyo tulad ng mas maayos na tulog, increased energy, better concentration at less fatigue.
PAIN AND STIFFNESS RELIEF
Ang full body massage ay nakakatulong sa paga-alis ng pain and stiffness ng katawan. Sa pamamagitan din nito ay nare-release ang endorphins na umaakto bilang pain reliever. Ang mga athletes na mayroong sore muscles mula sa intense workout o mayroong injury ay maaaring makakuha ng benepisyo mula sa masahe.
INCREASED CIRCULATION
Ang masahe ay nakakatulong sa pagi-increase ng blood circulation kaya nakakarating nang maayos ang oxygen at nutrients sa mga tissues at organs. Nagdudulot man ang masahe ng positibong benepisyong medikal, mabuting ipagpatuloy pa rin ang regular medical care sa tulong ng isang health care propesyonal lalo na kung mayroong medical condition.
SKIN BENEFITS
Ang full body massage ay nakakatulong sa paga-alis ng dead skin cells sa buong katawan na nakaka-improve ng skin tone. Ang magandang daloy ng dugo ay nagbibigay din ng benepisyo sa appearance at health ng balat. Nakakatulong din ang masahe sa tissue regeneration na nakakapagpa-reduce ng appearance ng scars at stretch marks. Ang massage oil ay nakakatulong sa pagmo-moisturize ng balat at nagbibigay pa ng ibang benepisyo depende sa klase ng oil na ginamit.
IMMUNE SYSTEM FUNCTION
Ang full body massage ay nakakatulong sa functionality ng immune system. Inii-stimulate kasi nito ang lymphatic system na naga-assist sa