05/03/2021
📢Sintomas Ng Mataas Na Blood Sugar At Diabetes
👉Madalas kapag pinag-usapan ang tungkol sa mataas na blood sugar, ang unang pumapasok agad sa isip natin ay diabetes. Pero bago ka pa ma-diagnose at magkaroon ng diabetes, bibigyan ka ng katawan mo ng mga sintomas ng diabetes tulad ng pagtaas ng blood sugar para habang maaga pa ay mabantayan mo na ang magkaroon nito.
👉At dahil karamihan sa'tin ngayon ay mahilig sa mga matatamis, processed foods at high carb diets, hindi rin maipagkakaila ang pagtaas ng bilang ng mga pilipinong may mataas na blood sugar level.
👉Kaya para maiwasan natin ang pagtaas ng blood sugar na maaring matuloy sa pagkakaroon ng diabetes, kailangan alam natin ang mga sintomas na ito para ma-maintain ang ating well-being.
1. Sobra at madalas na pag-ihi sa gabi
Kapag uminom ka ng maraming tubig bago matulog, malaki ang chance na magigising ka tuwing madaling araw para umihi. Pero kung mataas ang blood sugar mo, maari ka magkaroon ng UTI na siya namang dahilan sa pag-ihi ng sobra-sobra.
2. Lumalabong paningin
Wag ka muna mag-react agad at bumili ng eyeglasses kung nakakaranas ka ng temporaryong panlalabo ng mata. Dahil malaki ang chance na mataas lang ang blood sugar level mo kaya namamaga ang lente ng iyong mga mata.
3. Madaling mapagod at di makapag-concentrate
Kapag ang katawan mo ay kulang sa insulin, mahihirapan itong tanggalin ang glucose sa daanan ng dugo papunta sa cells. Ito ang dahilan kaya may nararamdaman kang hindi tama sa katawan mo tulad ng pagiging mabilis mapagod at hindi makapag-focus. Pwede ka rin maging dehydrated dahil ang pagkakaroon ng mataas na sugar ay ang dahilan ng frequent urination para e-release ang sobrang glucose sa katawan.
4. Panunuyo ng bibig o dry mouth
At dahil sa maraming glucose sa dugo at sa laway mo dahil rin sa mataas na blood sugar level, makakaranas ka ng panunuyo ng iyong bibig.
5. Pagiging imbalido
Para sa mga lalaki, kapag matagal mong pinabayaan ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar level, makakaapekto ito sa nerves at blood vessels mo na siyang dahilan para hirap ka ng patayuin ang pagkalalaki mo.
6. Pabalik-balik na infections
May iilang infections na kailangan mong bantayan lagi tulad ng dysfunction ng iyong thyroid, adrenal at pituitary glands. Kailangan mo rin bantayan ang mga sakit na maaring dumapo sa iyong pancreas o kaya yung sobrang dami ng glucose sa dugo.
7. Mabagal na paghilom ng mga sugat
Kapag sa tingin mo na kahit maliit na sugat at galos ay matagal maghilom, maaring ang dahilan nito ay ang mataas na blood sugar level. Nakakaapekto ito sa mga nerves at nagpapabagal rin sa daloy ng dugo kaya mahihirapan din ang dugo na mag-circulate sa parte na may sugat para magsagawa ng skin repair.
8. Stomach problems
Kapag mataas ang blood sugar mo, mahihirapan ka mag-dispose ng dumi. Ito ay maaring magresulta sa bloating, distention, abdominal pain, nausea at pagsusuka.
9. Lagi at sobrang pagkapagod
Kapag mababa ang thyroid level mo, malaki ang chance na makakaranas ka ng sobrang pagod, antok at pagiging depressed. At para labanan ang mga infections, kailangan mo ng energy kung saan nagreresulta naman sa sobrang pagkahapo at mataas na blood sugar level.
10. Pagkauhaw
Kapag mataas ang blood sugar mo, ang kidney mo ay mapu-pwersang doblehin ang trabaho para salain at e-absorb ang sobrang sugar. At para magawa yun, kailangan ng liquid para maipalabas ang sobrang sugar sa katawan mo sa pamamagitan ng pag-ihi.
11. Nanunuyo at nangangating balat
Kapag mahina ang blood circulation sa buong katawan mo, makakaranas ka ng pangangati ng balat. Lalo na sa may bandang singit.
12. Laging nakakaramdam ng gutom
Ikaw siguro yung tao na malakas kumain, pero ok lang yun. Pero sa mga taong hindi naman kalakasan ang pagkain, maaring kulang ka sa hormone na tinatawag na incretin. Ang incretin ang nagpapababa ng daloy ng sugar mula sa atay pagkatapos mo kumain. Kapag kulang ang incretin mo sa katawan, mabilis ka makakaramdam uli ng gutom na nagpapataas naman ng blood sugar level mo.
13. Paglaki ng tiyan at pagbigat ng timbang
Ito ang pinaka-common na sign na mataas ang blood sugar level mo. Dahil ang mga pagkain na kinakain mo ay di napupunta sa mga cells at maging energy na magpapalakas naman ng cells, nakakaramdam ka uli ng gutom.
14. Nerve problems
Simple lang, kung mataas ang blood sugar level mo, masisira ang blood vessels mo na nagdadala naman ng oxygen at nutrients sa mga nerves na nagreresulta naman sa pagkakaroon ng nerve problems.
15. Pag-iiba sa kulay ng balat
Kapag napapansin mo ang pagbabago sa complexion ng iyong balat at may kung anu-anong tumutubo mula rito, senyales ito na mataas ang blood sugar level mo. Minsan maari ka rin makaranas sa pagkapal ng balat sa may bandang leeg at pangingitim nito. Ganun din sa kamay.
16. Pangingilig at pamamanhid
Ito ay may kinalaman sa pagkasira ng iyong mga ugat o nerves. Kapag nakakaranas ka nito sa ilang parte ng katawan mo, maaring mataas ang blood sugar level mo. Ang tawag sa nerve damage na ito ay neuropathy.
Yan ang ilang mga senyales na maari mong tandaan para malaman mo ang posibilidad ng pagkakaroon ng mataas na blood sugar level. Para habang mas maaga pa, maari mo pang agapan at hindi na lumala pa sa pagkakaroon ng diabetes na maari naman magresulta sa pagputol sa parte ng katawan kung saan nagsimula ang pagkalat nito.
Ang diabetes ay maari rin magresulta sa kamatayan. Kapag nakakaranas ka ng ilan sa mga sintomas na nabanggit, maiging magpakonsulta agad sa doktor o espesyalista.
At para maiwasan ang diabetes at pagtaas ng blood sugar, importanteng maintindihan mo rin na ang high carbohydrate diet o pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay isang napakalaking factor sa pagkakaroon nito.