Dr. Nonette P. Diansuy - OBGYN Perinatology

Dr. Nonette P. Diansuy - OBGYN Perinatology Dr. Nonette P. Diansuy is an OB-GYN who underwent further training in Maternal-Fetal Medicine (Perinatology) specializing in HIGH RISK PREGNANCIES.

Ang patient ko na 2 days naglabor na sumakses magnormal delivery! 🥳Natutuwa ako kasi usually nagpapakain sila samin sa l...
30/10/2025

Ang patient ko na 2 days naglabor na sumakses magnormal delivery! 🥳

Natutuwa ako kasi usually nagpapakain sila samin sa labor room after nila manganak. Pero sya, pinapabigyan nya isa-isa yung mga nurses na naghandle sa kanya ng gift certificates pang kape daw nila. Natandaan nya ang mga pangalan nila so ibig sabihin, very good ang mga nurses natin. Kaya ako personally, naaappreciate ko talaga ang mga ganitong gestures kasi this is also an affirmation of the quality of our patient care. Kaya good job kay patient and sa ating mga LR nurses! 🥳

P.S. Sorry daw kung may nakalimutan sya. Basta very good daw lahat ng nurses namin sa LR. Hehe

Happy 2nd birthday, baby Uno! Thank you for visiting tita Doc! Thank you, Mommy for the cake and souvenir. Na-touch ako ...
22/10/2025

Happy 2nd birthday, baby Uno! Thank you for visiting tita Doc! Thank you, Mommy for the cake and souvenir. Na-touch ako kasi 2nd birthday na pero naalala nyo pa din dumaan sa clinic. May you grow up to be healthy and a loving son to your parents. 🥳🎂🥰

02/10/2025

Continuation of my BSB story:

Me: Ikaw kilala mo ba ang Backstreet boys?
Gen Z 3: Opo doctora!
Me: Aww buti ka pa!
Gen Z 3: Opo favorite ko nga po yun e.
Me: Sino dun ang favorite mo?
Gen Z 3: SI JUSTINE TIMBERLAKE PO!

Kung hindi mo gets kung bakit nakakatawa to, I’m offended again.

😂🤣😂🤣😂🤣

01/10/2025

Let me end this day by sharing a coversation with my Gen Z nurses (during OR while a Backstreet Boys song was playing:

ME: Kilala nyo ba kumanta nyan?
(Silence)
ME: Backstreet boys!
GEN Z 1: Ah sila Jhong Hilario po! (Referring to Streetboys)
ME: HA?!?!
GEN Z 2: Hindi! Sila John Lloyd Cruz! (Referring to Kanto boys)

Okay I’m so offended 🤪

Bisyo na ‘to. A well-deserved treat after a midnight OR. Thank you, Lord for an uneventful and successful operation. Goo...
26/09/2025

Bisyo na ‘to. A well-deserved treat after a midnight OR. Thank you, Lord for an uneventful and successful operation. Good night, world (except sa mga buwaya dyan sana hindi kayo makatulog)!

WHEN THE DOCTOR BECOMES THE PATIENT. Waiting for our checkup (INIP FACE).Waited 4.5 hrs to be seen. Definitely mas maiks...
17/09/2025

WHEN THE DOCTOR BECOMES THE PATIENT. Waiting for our checkup (INIP FACE).

Waited 4.5 hrs to be seen. Definitely mas maiksi ang checkup sa waiting time BUT we were very satisfied with our doctor. Magaling and very patient mag explain. So what’s the point, Dra? Haha!

1. I am very strict with the order of my patients waiting. Very rare ako magpasingit unless super high risk and inpatient syempre inuuna ko (makes sense naman kasi admitted nga so may problem ibig sabihin). Same with I never use my VIP/MD card when it’s our time to be the patients. Nung sinabi saming first come, first serve, 2 hours before pa lang nasa hospital na kami. Naglaan talaga ako ng isang buong araw for this. WHY? Because same with all my patients, YOUR TIME IS AS GOOD AS EVERYONE ELSE.

2. Na-appreciate ko ung doctor namin how she explained our game plan and how she really made an effort to connect with us. Ganito pala siguro yung nararamdaman ng mga patients ko na gusto ako weekly makita haha. It’s very uplifting and comforting.

3. Late ang doctor ng 2 hours. But as a doctor, naintindihan ko bakit sya late. That means there are more serious battles outside the clinic that we need to attend to. Sino ba ang gusto late magstart and matapos di ba?

HAPPY NA AKO AFTER THIS 😊

Nakita ko ung kambal na pinaanak ko last May 1 sa isang party. Nagpapicture kami at hinanap sakin ung picture nila sa OR...
07/09/2025

Nakita ko ung kambal na pinaanak ko last May 1 sa isang party. Nagpapicture kami at hinanap sakin ung picture nila sa OR. Buti nahanap pa sa phone haha 😂

Sa mga naghahanap ng kanila na super tagal na, huntingin nyo na lang ako whenever and wherever. Haha joke lang ✌🏻

Belated happy birthday sa aking oldest and favorite patient ever! 86th birthday nya last Sunday. Sabi ko ipopost ko sya ...
03/09/2025

Belated happy birthday sa aking oldest and favorite patient ever! 86th birthday nya last Sunday. Sabi ko ipopost ko sya sa page ko (pero na-late ng ilang araw hehe). Naoperahan ko si lola dahil may bukol sya sa o***y na bumabara sa kanyang ihian. Ayaw na namin sana sya operahan dahil sa edad nya pero hindi na nya kayang umihi and paulit-ulit lang din sya magkaka-infection dahil sa pagkakasonda. At syempre, we want to improve the quality of her life. Thank God at benign (hindi kanser) naman ang kanyang bukol. Nakakaihi na din sya ng walang sonda. ☺️

Idol daw nya ako. Pero sya talaga ang idol ko. Napakaliksi at napakatalas pa ng utak at pandinig. Itong picture na ito was taken just 1 week after her operation pero nakakasampa na sa bed on her own. Sabi ko anong sikreto nya? Iwasan ko daw ang mga karne at matatamis (patay tayo dyan).

I wish you all the best, ‘Nay! 🥰❤️

Ang bilis ng panahon. Nakaround 3 na din kami? Sabay2x sila nagpacheckup sa Pedia kaya nagpapicture na din kami. Grabe a...
01/09/2025

Ang bilis ng panahon. Nakaround 3 na din kami? Sabay2x sila nagpacheckup sa Pedia kaya nagpapicture na din kami. Grabe ang hirap magpapicture sa mga malilikot na toddlers. Haha riot! 😅😂

Binigyan ako ng patient ko today. WITH DISCLAIMER na hindi naman daw sa kailangan ko na nito. Pero mapapaisip ka din tal...
29/08/2025

Binigyan ako ng patient ko today. WITH DISCLAIMER na hindi naman daw sa kailangan ko na nito.

Pero mapapaisip ka din talaga kung mukha na ba akong haggard talaga e noh? Hahahaha!

Teka makapagbakasyon nga. 🤪

Nagflash sa newsfeed ko. Ito pala ung patient ko na gustong magpacheckup every week sakin at every checkup umiiyak. Mada...
22/08/2025

Nagflash sa newsfeed ko.

Ito pala ung patient ko na gustong magpacheckup every week sakin at every checkup umiiyak. Madalas pinapatahan ko lang sya at binibigyan ng comforting words sa dalas namin magkita. Nakakatuwa that after 2 pregnancy losses (1 miscarriage and 1 full term early neonatal death), nakita ko sa feed ko yung picture nya na nakangiti na with her healthy baby boy. Happy na aura nya. ☺️🥰

Address

Cabanatuan City-Carmen Road
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Nonette P. Diansuy - OBGYN Perinatology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Nonette P. Diansuy - OBGYN Perinatology:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram