City Health Center 6 Caalibangbangan

City Health Center 6 Caalibangbangan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Health Center 6 Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Ang tanggapan ng City Health Center 6 Caalibangbangan ay isa sa mga sangay ng Cabanatuan City Health Office na nagbibigay ng Serbisyong Pangkalusugan sa mga Barangay na nasasakupan nito.

AUGUST IS LUNG Month Cabanatuan City Health Office ,Prevent TB
06/08/2025

AUGUST IS LUNG Month
Cabanatuan City Health Office
,Prevent TB

06/08/2025
04/08/2025
02/08/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





02/08/2025

⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❤️ Atake sa puso at stroke
👁️ Pagkabulag o problema sa paningin
🦶 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.




Schedule ng Bakuna sa bawat Barangay na nasasakop sa Health Center Caalibangbangan✅
25/07/2025

Schedule ng Bakuna sa bawat Barangay na nasasakop sa Health Center Caalibangbangan✅

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela ngayong Agosto!Iwas sakit, tuloy and pag-aaral☺️💪
25/07/2025

Huwag palampasin ang Bakuna Eskwela ngayong Agosto!
Iwas sakit, tuloy and pag-aaral☺️💪

24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







08/07/2025

Alam mo ba na ang isang PrEP bottle na naghahalagang PHP 1,500 ay maaaring makuha nang libre sa mga DOH HIV care facilities? 💊🏥

Kaya magpa-HIV test upang malaman ang iyong HIV status:
➖ Kung negatibo, magpakonsulta sa doktor para makakuha ng PrEP.
➕ Kung positibo, sumunod sa tamang gamutan o antiretroviral therapy.

Isang paalala ngayong National HIV Prevention Awareness Month.




Address

Cabanatuan City
3100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Center 6 Caalibangbangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram