22/07/2025
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating aktibidad, ang ๐๐ป๐ธ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด: ๐ช๐ฒ๐น๐น๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ na naganap noong July 4, 2025 sa Lazaro Francisco Integrated School!
Mga magulang, tito at tita, lolo at lola, mga kapatid, ang inyong presensya at pagbabahagi ng inyong mga kuwento at karanasan ang nagbigay-buhay sa araw na iyon. Umaasa kaming bawat isa ay nakakuha ng bagong kaalaman, lakas ng loob, at mga konkretong hakbang na makakatulong sa inyong pang-araw-araw na buhay.
Maraming salamat rin sa mga naging katuwang sa pagtutulak ng programang ito -- Ms. Janne Andre Diego, Dean Emily Lim-Garcia mula sa PHINMA Araullo University, Ms. Jaycel Bautista, Mr. Vincent Joshue Valino, Ms. Lian Bagsic, at Principal Marjorrie S. Lazatin mula sa LFIS. ๐ป
Lubos naming pinasasalamatan ang aming partners na nakipag-tulungan upang maging successful ang event: PHINMA Araullo University - Graduate School, Rotaract Club of Cabanatuan North, interns mula sa Central Luzon State University, at ang mga indibidwal na volunteers na sina Ms. Zaley at Ms. Mika. ๐
Patuloy nating isabuhay ang pagmamahal, pag-unawa, at pagkilala sa gampanin ng bawat isa sa buhay ng mga batang may natatanging kakayahan. Tandaan, hindi biro ang inyong ginagampanan bilang puso ng pamilya, at hindi kayo nag-iisa sa labang ito.
Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa! Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagiging instrumento ng pagbabago para sa isang mas inklusibong komunidad.