02/09/2024
𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁: 𝗠𝗼𝗿𝗯𝗶𝗱𝗶𝘁𝘆 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝟯𝟰 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲
Ang DOH Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EVCHD) sa pamamagitan ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ay nakapagtala ng kabuuang 9,577 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 24, 2024, kung saan may 21 na namatay. Ito ay 264% na mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 2630 kaso at 9 na namatay.
Para sa Morbidity Week 34 lamang, mayroong 44% na pagbaba ng mga kaso, kung saan nakapagtala ng 976 na mga kaso kumpara sa 1,456 na kaso noong Morbidity Week 33. Samantala, ang Lalawigan ng Leyte ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso, na umabot sa 2,950, na bumubuo sa 31% ng mga kaso sa rehiyon. Karamihan sa mga naapektuhan ay mga lalaki, at ang mga nasa edad na 1-10 taong gulang.
Sa patuloy na pagkakaroon ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas, mahigpit na hinihikayat ang publiko na paigtingin ang pagpapatupad ng 5S Strategy upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.
1. Search and destroy mosquito breeding sites. Sugpuin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng “kiti-kiti” sa loob at labas ng bahay. Panatilihing nakatakip at malinis ang lahat ng naka-imbak na tubig.
2. Seek consultation, lalo na kung makaranas ng biglaang mataas na lagnat sa loob ng 2 araw, kasama ang iba pang mga sintomas;
3. Self-protect, kagaya ng paggamit ng insect repellant at pagsuot ng long sleeves, light-colored na damit at mahabang pantalon;
4. Support fogging activities sa mga komunidad kung may pagbadya ng dengue outbreak;
5. Sustain Hydration sa pamamagitan ng paginom ng sapat na tubig para maiwasan ang dehydration.
Hinihikayat din ang mga ospital at lahat ng health facilities na tiyakin ang pagkakaroon ng Dengue Fast Lanes, sapat na health care providers, at mga kailangang Dengue commodities and medicines upang matiyak ang mabilis na paghatid ng serbisyo.
Hinihikayat din namin ang mga LGU at mga katuwang na ahensya na aktibong makibahagi sa labanang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga aktibidad laban sa dengue, pagpapalakas ng mga hakbang sa pagsubaybay, at pagbibigay ng kinakailangang mga resources sa mga health facilities.
Magtulungan tayo upang labanan ang pagtaas ng mga kaso at protektahan ang ating mga komunidad!
𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁: 𝗠𝗼𝗿𝗯𝗶𝗱𝗶𝘁𝘆 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝟯𝟰 𝗨𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲
Ang DOH Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EVCHD) sa pamamagitan ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ay nakapagtala ng kabuuang 9,577 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 24, 2024, kung saan may 21 na namatay. Ito ay 264% na mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 2630 kaso at 9 na namatay.
Para sa Morbidity Week 34 lamang, mayroong 33% na pagbaba ng mga kaso, kung saan nakapagtala ng 976 na mga kaso kumpara sa 1,456 na kaso noong Morbidity Week 33. Samantala, ang Lalawigan ng Leyte ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso, na umabot sa 2,950, na bumubuo sa 31% ng mga kaso sa rehiyon. Karamihan sa mga naapektuhan ay mga lalaki, at ang mga nasa edad na 1-10 taong gulang.