30/11/2025
Mga dapat gawin para madaling manganak
Pagdating ng ika-36 hanggang ika-37 linggo ng pagbubuntis, o ang huling trimester, dapat nang paigtingin ang paghahanda sa sarili, sa lahat ng aspeto—emosyonal, pisikal, mental pati nga pinansiyal
Bago ang due date
1. Ihanda ang iyong emosiyon
Ang iyong mindset at emotional state ay konektado sa iyong pisikal na kondisyon, at kung paano kakayanin ng iyong katawan ang anumang stress.
Kapag handa ang iyong isip sa maaring mangyari, magiging mas madali ito sa iyo kapag dumating na ang araw na iyon
2. Mag-ehersisyo (nang tama)
Kwento ng ilang nanay, kapag sanay sa ehersisyo at hindi lethargic kapag nagbubuntis, mas maikli ang labor at mas napapadali ang delivery. Kapag kasi sanay ang katawan mo sa pisikal na gawain at ehersisyo, napapatatag ang endurance mo para sa parating na labor.
3. Magsanay at mag-aral
Malaki ang naitutulong ng mga ganitong pagsasanay o training para sa mga first-time parents, upang maging pamilyar sila sa iba’t ibang stages ng panganganak—mula labor hanggang delivery.
Dito inaaral ang tamang posisyon, tamang paghinga, at epektibong relaxation techniques sa simula pa lang ng labor.
Sa oras na magsimula ang labor: Mga dapat gawin para madaling manganak
1. Kumalma
Kapag nakumpirma mong nagsisimula na ang iyong labor, ang una mong dapat gawin ay kumalma muna. Hindi makakatulong sa iyong panganganak kung mag-aalala ka, at maari pa itong makasama sa iyo at sa’yong sanggol.
Tumatagal ng hanggang 12 hanggang 14 oras ang active labor mula sa simula ng unang contraction. Kalma lang, at subukang alisin ang labis na pag-aalala at sakit na nararamdaman. Kung sa simula pa lang ay takot at pangamba na, mauubos ang lakas mo bago pa man dumating ang oras ng paglabas ni baby.
2. Magpamasahe ng kaunti kay Daddy
ang pagmamasahe ni mister sa balikat, leeg o likod kapag nagsimula nang mag-labor si misis ay isang epektibong paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
3. Kumain ng kaunti para may energy
kumain ng tinapay na may protein oats. Ito ay makakatulong sa’yo para magkaroon ng sigla at hindi agad manghina habang nanganganak. Isa pang snack na pwede mong kainin ay ang sweet potato o kamote sa tagalog. Light lang ito sa tyan pero makakatulong sa’yo upang magkaroon ng energy.
4. Gawin ang natutunang “breathing Exercise"
Ang tamang paghinga ay susi sa maayos na panganganak, at nakakatulong na mapahinga ka sa pagitan ng mga masasakit na contraction.
Ang tamang paghinga ay mahalaga para maibsan ang labis na sakit ng tiyan. Napapatibay din nito ang core at pelvic floor muscles ng iyong puwerta, para mas kayanin mo ang panganganak.
5. Tumayo, lumakad
nakatayo at naglalakad, kahit dahan-dahan lang, mas bababa ang ulo ng bata at tutulak sa puwerta. Magsubok ng iba-ibang posisyon tulad ng paluhod, patagilid, o naka-squat para hindi mangalay
Dapat tandaan
Huwag mahiyang magsabi kung may taong nakakainis o nakakahawa ang negativity habang nagle-labor ka. Ikaw ang nanganganak, at dapat ay maramdaman mo ang suporta at saya sa oras na ito
Maaring isa ito sa mga pinakamahirap na sandaling pagdaraanan mo bilang isang babae. Subalit ang kapalit naman nito ay ang makita ang iyong anak, kaya siguradong lahat ng sakit, pagod at hirap ay mapapalitan rin ng saya.