23/03/2026
Good Day, Hello Kitty Moms,
🙋♀️“Doc ano po ito na lumabas sa poopoo ni baby parang Spaghetti?”
📍Ito po ay Bulate or Ascaris at ang pag kakaroon ng sakit po na ito ay tinatawag na Ascariasis. 🪱
📍Ang isang adult worm o bulate ay nag lalagi sa small intestine at may life span po na umaabot hanggang 10-24 months. 😮 Imagine ganon katagal maaaring mabuhay sa loob ng tiyan ng isang bata.
📍At nangingitlog po ito ng 200,000 eggs per day, humaba ng 25-30cms or katumbas ng isang Ruler. 📏 Ang haba diba?
📍Ang itlog po na ito ay maaari lumabas sa dumi ng isang infected na tao at posibleng makahawa rin sa iba sa pamamagitan ng maruming kamay o paghawak sa lupa na may itlog ng bulate at pagkatapos isusubo sa bibig o maaari rin po makuha sa contaminated food and drinks na may kasamang itlog ng bulate. 🪱
📍Kse po ang Ascaris eggs pwedeng tumagal sa 5-10 degrees celsius for as long as 2 years.🌡🌞
📍Mas maraming mga bata ang posibleng mag karoon ng ganitong sakit kaysa sa matatanda sa kadahilanan sa pagiging poor hygiene nila. Pwede rin po magkaroon ang mga sanggol sa pamamagitan ng lupa o dumi na maaaring makapasok sa bahay dahil sa soiled feet and footwear. Sa mga bata ito’y pwedeng paulit ulit na infection dahil nga po sa poor hygiene. 🪱
📍Ang pag kakaroon ng ganitong sakit (Ascariasis) maaari po yun iba ay walang nararamdaman o walang sintomas at maaaring madiagnose sa pamamagitan sa pag examine ng dumi o stool exam or by history of passing adult worm during defecation. 🔬🪱💩
📍Pero kung ito ay sobrang dami na, maaari ang isang bata makaramdam ng pananakit ng tiyan, pag laki ng tiyan, kawalan ng gana sa pag kain, pagsusuka o pag dumi na may kasamang bulate at maaari rin pag uubo na may kasama pananakit ng dibdib, probably due to the migration of larvae into the lungs. Pwede po pumunta ang bulate sa baga. 🤮🪱
📍Several complications may result from the erratic migration of the adult worms into the biliary tract, causing pancreatitis and liver abscess. The worms may also enter the appendix, causing obstruction leading to acute appendicitis. 🪱
📍Occasionally worms may lodge in the trachea and cause asphyxia (pwde po kse mapunta sa daanan ng hininga at bumara). A more serious complication occurs when a large mass of worms leads to acute Bowel obstruction. Surgery may be required for cases with severe obstruction.🪱
📍Kaya delikado rin po ang pagkakaroon ng ganitong sakit. Yun iba po na pasyente Pwede po mag karoon ng moderate to severe dehydration dahil sa pag tatae at pag susuka. Kung ang inyong mga anak ay may ganitong sintomas maaaring dalhin sa pinaka malapit na Ospital or ipakonsulta sa inyong mga Doktor.👩⚕️🏨
📌Kaya po ang WHO at ang DOH recommends deworming for all children aged 1 to 12 years old or all school aged children, na maaaring gawin twice a year or every 6 months. Maaari po kayo pumunta sa inyo mga Doctor or sa Health Center na malapit po sa inyo para sa paraan ng pag pupurga.🏨👩⚕️
❌Deworming must not be done in children with
1. Severe malnutrition
2. High-grade fever
3. Profuse diarrhea
4. Abdominal pain
5. Serious illness
6. Previous hypersensitivity to the antihelminthic drug.
✔️Para maiwasan ang pag kakaroon nito,
1. Pag pupurga sa mga bata simula 1-12 years old na maaaring gawin every 6 months.🪱
2. Lagian pag hugas at pag kakaroon ng malinis na kamay lalo na bago kumain. 🤚🧼
3. Sanitary disposal of human waste must be practiced.🚽🧻
👩⚕️Kaya mga mommies panatiliin po natin silang malusog at malayo sa sakit. 👶
Sa panahon po ngayon mahirap mag kasakit, magastos po ang mag kasakit.
Maraming Salamat po.❤️
Source:
Nelson textbook of pediatrics
Fundamentals of pediatrics
PPS preventive pediatric health care handbook