11/01/2026
May nabasa kami sa comment section:
"Order ako ng order pero hindi naman dumadating."
Ganito kasi yan... kung nag order kayo at ni reject niyo ang parcel niyo tapos umorder nanaman po kayo ulit, pasensya na po hindi na kami magpapadala uli. Nalugi na kami sa first order niyo ng shipping fee back and forth. Maging responsable sana tayo sa pag order online, hindi porket free shipping eh aabusuhin niyo. Nakakalugi po yan ng negosyo. Markado na po pangalan at details niyo. Kaya kung may RETURN TO SENDER record ka na, hindi na po mag pupush through order niyo. Salamat po sa pag intindi!