10/03/2026
🐶💉 Rabies Awareness Month Celebration
Ngayong Rabies Awareness Month, pinaaalalahanan ang lahat na ang rabies ay nakamamatay ngunit 100% na maiiwasan kung maagapan at mabibigyan ng tamang lunas.
✔️ Pabakunahan ang inyong mga alagang a*o at pusa
✔️ Iwasan ang pakikipaglaro o paglapit sa mga hayop na gala o hindi kilala
✔️ Kapag nakagat o nakalmot, hugasan agad ang sugat sa loob ng 15 minuto gamit ang sabon at dumadaloy na tubig
✔️ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility
Magtulungan tayo upang maprotektahan ang ating pamilya at komunidad.
Ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop at agarang aksyon ay makapagliligtas ng buhay.
🐾💜