05/09/2024
Paalala... KNOW YOUR BOUNDARIES AS A PATIENT.
Yes, doctor po ako, kme... pero tao din kami napapagod, may bad day at umiinit din ang ulo, nagkakasakit, namamatayan, nasasalanta ng sakuna, nasusunugan, nahoholdap, nananakawan, naiipit sa traffic, nalalate, nahuhuli ng pulis sa daan, nakikipagsiksikan sa LRT/MRT, pumipila sa mahabang pila sa pagprocess ng papeles, bumabagsak sa exam, nagbabayad ng malaking buwis, nabuburn out at naapektuhan din ang mental health namin... lahat din ng hindi maganda, naeexperience namin. Hindi porket doctor e maginhawa buhay at madali lahat... one point in our lives naexperience namin yan.
Yes, doctor po ako, kme... kalahati ng buhay namin nilaan namin para magaral, magsagot ng exam at umattend ng mga conferences at meetings ng ilang oras at araw, required, attendance checked para sa bagong kaalaman para makatulong sa mga nangangailangan.
Yes, doctor po ako, kme... gusto din namin magpahinga, magenjoy at magbakasyon. Gusto namin magrelax maliban sa araw-araw na ginagawa para magserbisyo sa mga nangangailangan. Maiba at malibang, gumawa ng nga bagay maliban sa araw-araw na ginagawa.
Ang gusto ko lang ipahatid ay... sana matututo din kayo rumespeto sa ORAS at SPACE namin dhel kayo meron din kayong ganun. Hindi porket online e araw-araw kayo magtatanong, magmemessage at mangungulit.. Hindi kami 24/7 open pero pagmay nangangailangan, tutulong kami. Hindi masamang magtanong pero KNOW YOUR BOUNDARIES as a PATIENT.
RESPECT begets RESPECT.