04/08/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            ๐ PAALALA: GAMIT NG DOXYCYCLINE ๐
Ayon kay Dr. Rolando Cruz ng QC Epidemiology Division, huwag basta-basta uminom ng doxycycline nang walang gabay ng health professional.
โ
 Ginagamit ito bilang proteksyon laban sa leptospirosis lalo na kung lulusong sa baha.
โ
 May tamang protocol para sa mga na-exposeโkaya kumonsulta muna sa doktor.
๐ Iwasan ang maling paggamit ng antibiotics!                                        
                                    
                                                                        
                                        PAALALA SA PAGGAMIT NG DOXYCYCLINE
Nagpaalala si Quezon City Epidemiology & Surveillance Division Chief Rolando Cruz na kailangan ng konsultasyon mula sa isang health professional bago gumamit ng doxycycline.
Ang doxycycline ay isang uri ng antibiotic na karaniwang iniinom kontra leptospira na nagdudulot ng sakit na leptospirosis.
โKapag alam natin na lulusong tayo sa baha, puwede tayong mag-take ng doxycycline. Para naman dun sa mga na-expose, mayroon din tayong protocol [kung] ilang araw ka dapat iinom ng doxycycline,โ saad ni Dr. Cruz sa panayam sa โOne Balita Pilipinasโ sa One PH.