Marliz R. Quianzon-Escaño, RND, MD, FPOGS

Marliz R. Quianzon-Escaño, RND, MD, FPOGS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Marliz R. Quianzon-Escaño, RND, MD, FPOGS, Obstetrician-gynaecologist, Cainta.

Affiliated hospitals and clinics

Ortigas Hospital and Healthcare Center
Sarmac Medical Clinic
Our Lady of Grace OBGYNE & Lying-In
Garcia General Hospital
Salve Regina Hospital
Taytay Doctors Multispecialty Hospital
TriCity Medical Center

Giving a big world to a small baby (at 790 grams).
15/10/2025

Giving a big world to a small baby (at 790 grams).

Hello baby miranda! October 1 nanganak si mommy sa big baby na itoSi mommy marivic, nakita ko din very early in pregnanc...
06/10/2025

Hello baby miranda!
October 1 nanganak si mommy sa big baby na ito
Si mommy marivic, nakita ko din very early in pregnancy kasi nga may type 2 diabetes sya. Alam ni mommy agad na very very high risk sya at hinanap nya talaga ako. Lahat ng bilin ko ginawa ni mommy. Diet, exercise, laboratories, nipt at mga monitoring ng ultrasound nagawa nya. Negative lahat pero dahil mahirap talaga icontrol ang diabetes ni mommy, lumaki ng lumaki si baby. Palaging Large for gestational age. Kaya naplano na namin na 37 weeks sya paanakin. At dumating na ang petsa na october 1 at nailabas namin ang 4.4 kg na baby boy nya. Si mommy ok nung natapos ang procedure. Balik na din ang metformin nya. Si baby nag transient tachyonea at pneumonia kaya naiwan pero getting better. Malapit na yan lumabas

Congrats pa din mam marivic and daddy!!!! Magready na at malapit na kayo magkasama ni baby.

Hello baby meneses!Si baby was born Sept 30Si mommy cecille, nalaman na buntis nakita ko na. Medyo anxious sya kasi high...
06/10/2025

Hello baby meneses!
Si baby was born Sept 30
Si mommy cecille, nalaman na buntis nakita ko na. Medyo anxious sya kasi high risk na sya. She was 39yo then (nanganak ng 40), may septate uterus, may hypothyroidism and may GDM. Nalaman nya mga risks and complication ng mga meron sya kaya todo bantay kami sa health nya at ang paglaki ni baby. Good thing, yung hypothyroid nya was well controlled. Diabetes nya, nag gamot kami ng metformin. Sa septate uterus, informed sya na pwedeng maging malpresented ang baby nya. Pero all went well kasi pumwesto si baby, si mommy well controled lahat at ok ang timbang ni baby. Kaso nung 35 weeks, biglang pumutok ang panubigan ni mommy kaya narush sa hospital. Initially plan was for vaginal delivery kaso pumanget ang tracing ng heart beat ni baby kaya nadeliver namin ng cesarean section. Lumabas si baby ng maayos at si mommy naman naging ok pag labas. Naiwan lang si baby for a few more days to treat infection kasi matagal na pumutok ang panubigan bago nailabas si baby (nagcomplete pa ko for the lungs). Today uuwi na ang anak nila ng well at lumaki na din.

Congrats mam! It was a long journey pero ang important safe kayo ni baby.

29/09/2025

Here are some schedule this october na wala po along clinic

Oct 15 and 22 sa HP garden walk
Oct 16 sa OHHC

Please make adjustments sa schedule nalang. Please message me if di po kayo feasible sa other dates. Thanks

Hello baby boy arriola!!!Si baby born ng sept 25, 2025Si mommy jhesamae, referral ng dati ko din patient. Umpisa palang ...
27/09/2025

Hello baby boy arriola!!!
Si baby born ng sept 25, 2025

Si mommy jhesamae, referral ng dati ko din patient. Umpisa palang patient ko na sya. Nung umpisa, ok na ok ang pregnancy with no comorbids until naging panahon ng avocado at naging GDM sya. Kinaya ng diet naman ang sakit nya. Special din si baby kasi 4th pregnancy na din pero 1 palang ang buhay nila. Kaya super alaga din ang ginawa para dito. Happy pa sila kasi baby boy (may girl na kasi sila na 10yo). Nag maintain si mam ng timbang at si baby di din naman masyadong lumaki. Maganda ang naging labor journey ni mam at nailabas ng normal si baby.

Congrats mam and sir!!! Mukbang na uli!!!

Hello baby boy dela cruz!!!He was born sept 24,2025Si mommy glenalyn was a referral kasi sa diabetes nya. Hirap na hirap...
27/09/2025

Hello baby boy dela cruz!!!
He was born sept 24,2025
Si mommy glenalyn was a referral kasi sa diabetes nya. Hirap na hirap kami na icontrol ang sugar nya. Tapos nung umpisa panay panay pa ang bleeding at paghilab ng tyan. Precious pala ang baby na ito kasi pang apat na pregnancy na nya kaso 1 lang ang buhay kaya todo todong effort (TODO NA TOH!!!) ang ginawa ko para maibigay ang baby na ito. Kaso at 29 weeks, humilab na ng husto ang tyan nya at nanganak ng premature. Kinaya ni mam na mag normal delivery at si baby ang lakas lakas ng iyak. Sa ngayon, asa NICU sya kasi premature at 1.45kg lang sya. Sa ngayon, nagpapalaki sya. Asking for prayers din kami para maging ok ang baby nya

Congratulations pa din mam and sir.

25/09/2025

Hello patients. No clinic tomorrow. Baha na po sa amin

For patients in OLG clinic, you will be rescheduled on sunday. Please also confirm your appointment thru 09178819125

For patients in HP Garden walk cainta, please message (viber) 0933 815 0541 for your reschedule of appointments.

Sorry and thank you for understanding
Stay safe and pray

Hello baby domingo!!!This baby was born sept 18Si mommy airicka patient ko na 1st trimester palang. Nung una fatty liver...
21/09/2025

Hello baby domingo!!!
This baby was born sept 18
Si mommy airicka patient ko na 1st trimester palang. Nung una fatty liver si mam prior to pregnancy kaya nag gamot at exercise kami. Magaling sumunod si mam sa mga bilin ko kaya yung highblood at diabetes, never sya nagkaron. Lumaki ng maayos si baby buong pregnancy. Nung kabuwanan naman, ayaw naman lumabas ni baby kaya napilitan na ko mag induce ng due date nya. Nag transcervical catheter ako para mag open ang crrvix. We tried to due vaginal delivery kaso hanggang 5cm lang sya. Kaya we had no choice but to do CS. Nailabas naman ng matiwasay ang baby at nakauwi silang dalawa din ng sabay. Ang pinakamasaya talaga ay si daddy kasi safe ang dalawang girls sa buhay nya.

Congrats mam and sir!!! Nakaka tuwa na ako uli sa planadong 2nd baby (pero sana after 2 years para makapag pahinga si mam)

Hello baby gratuito!!!This mukhasim baby was born sept 18Si mommy tabitha patient ko na nung 1st trimester palang. Ang b...
21/09/2025

Hello baby gratuito!!!
This mukhasim baby was born sept 18
Si mommy tabitha patient ko na nung 1st trimester palang. Ang bungad kaagad ay maselan sya magbuntis. At oo, napakaselan nga. Parang nung dati, every week dinudugo, mananakit ang puson, ngalay ang balakang. Parang buong 1st trimester nya at kalahati ng 2nd trimester e bed rest lang sya. Nakalagpas naman kami dun gamit mga pampakapit (and super prayers). Magaling din si mam kasi well controlled ang asthma at walang naging mga sakit during pregnancy. Ang plan talaga sa kanya ay mag vaginal birth after cesarean section. Nag trial naman kami sa kanya kaso di na nagprogress ang cervix nya from 5cm kaya nag repeat CS kami sa kanya. Parang hindi bagong panganak si mam dahil napakalakas na nya after the cs at nakauwi din agad.
Congrats gratuito family!!! Ang mga bilin ko mam kasi nagtanong si daddy hanggang ilan pwede magbuntis kapag cs. Hehe

Hello baby micabalo!!!This baby was born september 9Si mommy lovely e referral ng sister nya (na pasyente ko din). Sa un...
21/09/2025

Hello baby micabalo!!!
This baby was born september 9
Si mommy lovely e referral ng sister nya (na pasyente ko din). Sa una, petiks petiks lang kasi super uncomplicated ni mam ng 1st trimester and 2nd trimester. Kaso pagpasok ng 3rd trimester, mga 28 weeks, napansin on routine ultrasound na si baby ay maliit. Kaya ginawan namin paraan with diet and supplements para lumaki laki ng sapat si baby. Unti unti din nagmamanas si mam pero normal naman ang BP. Nung mga 33 weeks, ayun na nga, unti unti nang tumaas ang BP pero kinakaya pa macontrol ng gamot. Around 36 weeks, di na kinaya at tumaas ng bongga ang BP na kinailangan ko na sya iadmit. All efforts were made para mapababa ang BP kasi we wanted to try normal delivery kaso di nakisama ang BP. Nanganak si mam ng CS. After CS, nahirapan din kami pababain ang BP. Kaya adjust ng gamot kami ng madalas. Si baby din nahirapan magdeded kaya nag extend sila sa ospital. Nakauwi din naman after a few days.
Congrats mam and sir ( na pauwi palang from abroad) at sa buong tempoado family (na puro highblood nung pregnancy- si mommy lola, si ate at si mam)

Hello baby alamo!!!!Si baby born on september 18Si mommy danica, dami din namin pinag daanan. 1st trimester palang kasam...
21/09/2025

Hello baby alamo!!!!
Si baby born on september 18
Si mommy danica, dami din namin pinag daanan. 1st trimester palang kasama ko na sya. Madami kaming nadiscover na sakit nya, hypothyroid, gdm, chronic hypertension, fatty liver disease at infection. All were controlled with diet, exercise, sleep and vitamins. Kaya nga kahit andami nyang sakit, swabe lang ang naging pregnancy nya. Compliant sa check ups si mam kaya nababantayan ng husto lahat ng sakit nya. 33 weeks, nag preterm labor si mam pero nacontrol namin kaya napahaba pa ang pregnancy. Napapansin na din namin na tumataas ng pakonti konti ang bp pero manageable pa naman. Nung day of the birthday of her baby, sumakit ang batok nya at ulo. Bigpaang nag shoot up ang BP nya na kelangan itakbo sa ospital. We tried controlling the BP kaso hindi kinaya. Need na ilabas ang baby via CS. After the delivery, pahirapan pa macontrol ang BP nya. After 2 days, napauwi din sila ni baby dahil ok na ang BP sa mga gamot at si baby walang problema.
Congrats mam and sir and the whole alamo family(opo pasyente ko din mga kapatid ni mam)

Hello baby cayabyab!!!Born september 17 ang baby na itoSi mommy jhessamae, 1st trimester palang nagpapacheck up na sa ak...
21/09/2025

Hello baby cayabyab!!!
Born september 17 ang baby na ito
Si mommy jhessamae, 1st trimester palang nagpapacheck up na sa akin. Nag spotting pa nga ito ng mga 1st weeks of pregnancy. Nadiagnose din sya agad ng GDM kaya talagabg bantay sarado ang sugar nito at timbang. Madami kami napagdaanan ni mommy kasi pati family matter, nacoconfide nya sa akin. Si baby naman, lumalaki ng maayos during the whole pregnancy. Nagulat nga lang kami nung naglalabor na sya, bigpaang nagtaas ang blood pressure nya. Though while in labor, nacontrol ang BP kaya nag augment kami para makapag labor sya. Nakapag deliver sya via outler forceps kasi almost there na si baby kaso di na kaya ni mommy. Tuwang tuwa ang lahat ng mailabas ng maayos ang baby. Congrats mommy and sa daddy na paparating palang from abroad!

Address

Cainta
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marliz R. Quianzon-Escaño, RND, MD, FPOGS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram