01/12/2025
✨ Tonight’s Dinner at One Cainta Sunset Retreat ✨
Napakasarap ng chicken adobo na kinain ng ating mga lolo at lola ngayong gabi, handog ng Chooseday Group mula Cainta at Taytay. 🍗💛
Ang grupong ito ay magkakaibigan lang na nagkukwentuhan, at doon nila nalaman ang tungkol sa ating home for the aged. Dahil sa isang simpleng kuwentuhan tungkol sa elevator na naipagawa, napagdesisyunan nilang dumalaw at magbahagi ng pagkain at biyaya. Ngayon, tayo ang unang stop ng kanilang generosity tour. 🥹🙏
Maraming salamat sa Chooseday Group sa inyong kabutihan at pagmamahal. Ang simpleng pagbisita ninyo ay nagdala ng napakalaking ligaya sa ating mga elders ngayong gabi. Nawa’y patuloy kayong pagpalain sa inyong pusong handang tumulong kahit walang okasyon. 💖🌙✨