01/07/2022
🔴🟡🟢 Weak or No Retention.
From a concerned Mom:
Ang anak ko po, 4 yrs old lang, pero makakalimutin na. Hindi po niya maalala ang letters at numbers.
Since I am a Reading Specialist, allow me to explain. Ang batang hindi makaalala ay hindi po Special unless ma diagnose at masabi ang case niya by a professional. Ang No Retention po ay sign na - At Risk ang bata sa Reading Disability which will lead to Learning Disabilities kung hindi magkakaroon ng intervention. Kaya po importante ang Assessment para makita ng maaga ang case ng isang bata. At around 3 or 4 yrs old, pwedeng hindi pa "ready" ang bata maging reader. Lalo na sa Math na upon experience e, nahuhuli ang "Readiness" ng isang student. May mga mabilis matuto at may late matuto, pero hindi ibig sabihin ay may Special Needs na. Although, pag walang intervention talaga, ang mga "At Risk" na bata ay talagang mahihirapan lalo na pag inaantay ang pag mature niya. Pag may delay kasi, kadalasan, hindi nakakahabol. The solution is, Assessment and Intervention kung meron kayong pagdududa. Ika nga e- prevention is the key.
PM nalang po if may mga katanungan pa.
❣️Hand in Hand for Excellence❣️