
03/08/2025
"Walang gamot sa Hepa"
"Pag may hepa ka, habambuhay ka nang may hepa"
Yan ang common nating marinig. Pero alam nyo ba na ito ay mali?
Ang mga buntis ay ini-screen para sa Hepatitis B infection sa first trimester. Ito ay nakukuha sa direct blood contact at pakikipagtalik. Maaaring mahawa ng baby habang buntis ang kanyang ina dahil ang Hepatitis B virus ay tumatawid sa placenta (Vertical transmission)
Kung nonreactive o negative, Hepatitis B vaccination is given.
Kung mag positive o reactive sa HbsAg screening, ang mga sumusunod ay nangangailangan ng baseline
-Liver panel
-HBV DNA
-HBeAg and anti-HBe
Ideally, ang HBV DNA at liver panel ay inuulit pagdating ng end of second trimester (26 to 28 weeks)
Kung ang HBV DNA ay >200 000 IU/ml, inooffer ang antiviral therapy sa mother at pagkapanganak ay tuturukan ng HepB vaccine at HepB Immunoglobulin si baby, ideally within 12 hours of life.
So ano ang gamot para sa Hepatitis B Infection during pregnancy more than 28 weeks AOG???
Ang gamot ay ang first-line agent na Tenofovir Disoproxil Fumarate na Pregnancy Category B (Safe na gamot during pregnancy)
Source: Centers for Disease Prevention and Control
Picture attached is from Google hihi