20/02/2026
Nakagat ng a*o? Nakalmot ng pusa?
Huwag ipagwalang bahala ang rabies! NAKAMAMATAY!
Magpabakuna bago mahuli ang lahat!
*WE ARE NOT A VETERINARY CLINIC*
---
⏱ Clinic hours:
MONDAY-SUNDAY, 8 AM-5 PM
-
📍 Address: G/F Remedios bldg., National highway, Brgy. Halang, Calamba city, Laguna (NEAR HALANG STOPLIGHT / YELLOWCAB)
-
📩 Contact us through messenger or this number:
09815968683
-
💉 SERVICES OFFERED:
- Anti-Rabies vaccine (Pre & Post-exposure and Booster)
- Anti-Tetanus vaccine (Tetanus toxoid, ATS, HTIG)
- ERIG / HRIG
- Flu vaccine
- Pneumococcal vaccine
AWARENESS FOR RABIES ‼️
My kuya was bitten by a puppy last September 18, 2025. Hindi siya nagpa-inject kasi siguro iniisip niya na tuta lang iyon, kaya wala rabies. But a lot of people told him to get anti-rabies vaccine kasi namatay ang puppy after siyang makagat. Namatay ang a*o na may bula-bula ang bibig which is a sign that the puppy was infected with rabies.
But sadly, binalewala ng kuya 😢 (WALA KAMING IDEA NA NAKAGAT SIYA NG A*O, AT HINDI SIYA NAG-OPEN SA AMIN.)
January 2026, palagi nang umiinda ang kuya na medyo masama raw ang pakiramdam niya, kaya akala namin simpleng lagnat lang.
February 1, 2026, nag-visit ako sa bahay. Bigla niyang sinabi sa akin na masakit daw yung tiyan niya parang pinipiga ang bituka niya kapag kumakain siya. Nahihirapan din siyang lumunok at masakit ang lalamunan niya. Inadvise ko siyang magpa-check up kasi baka dahil sa mga kinakain niya o resulta ng palagi niyang pag-inom.
February 15, 2026, sinugod na si kuya sa hospital kasi nahihirapan na siyang huminga 😢 Doon lang namin nalaman na nakagat pala siya ng tuta last year pa 😭 Wala pang 24 hours, binawian agad ng buhay ang kuya, dahil kumalat na ang infection sa utak niya 😞
Grabe ang sakit, at biglaan ang lahat, Kuya. Pasensya na kung hindi ako bumisita. Kung pwede lang, kung kaya ko lang na makita kang nahihirapan huminga, pero hindi, hindi ko kaya💔 pasensiya narin kung hindi kita nadalhan ng gusto mong pag kain.
Kuya mahal na mahal ka namin at palagi kang nasa puso naming mga kapatid mo🕊️❤️🩹
PS: KUNG MERON MANG NAKAGAT NG A*O O PUSA AT KAHIT KALMOT LANG MAS MAINAM NA MAG PA ANTI RABIES AGAD PARA MAIWASAN ANG PAG KALAT NG RABIES SA KATAWAN‼️