
30/04/2023
‼️‼️Barangay LAGUERTA and HORNALAN Calamba City‼️‼️
𝐏𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐚𝐤 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐨, 𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 2-31, 𝟐𝟎𝟐𝟑!
𝐓𝐔𝐍𝐆𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐌𝐑-𝐎𝐏𝐕 𝐒𝐈𝐀 𝐎 𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐈𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍
𝐌𝐀𝐀𝐀𝐑𝐈 𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐓 𝐌𝐀𝐘𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐒𝐈𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐍𝐀𝐓 𝐎 𝐔𝐁𝐎?
Maaaring bakunahan ang mga batang may banayad na sintomas gaya ng sinat. Bago magbakuna, lahat ng bata ay iiksaminin muna ng doktor, nurse at midwives bago bigyan ng bakuna. Kung makita na ang bata ay may ibang sakit na malubha, maaaring ipagpaliban ang pagbabakuna hanggang sa gumaling siya.
𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐑 𝐀𝐓 𝐎𝐏𝐕 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄?
Oo, ligtas ang pagbibigay ng MR at OPV vaccine ng sabay. Sa kampanyang ito, kailangang mabigyan ng parehas na bakuna ang mga edad 9 - 59 months old para sa kanilang kabuuang proteksyon laban sa polio, tigdas, at rubella. Ang mga bakunang ito ay matagal nang napatunayang ligtas at epektibo ayon sa pagsusuri ng World Health Organization at aprubado ng Food and Drug Administration ng ating bansa.
𝐒𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐌𝐑 𝐀𝐓 𝐎𝐏𝐕 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐄𝐒?
Mayroon pong maliit na bahagi ng mga sanggol at batang edad 0 - 59 months and di mabibigyan ng MR at OPV vaccines sa kampanyang ito. Kabilang rito ang mga batang may severe allergy sa bakuna o sa mga sangkap nito, mga may primary immune deficiencies, kanser, o ang mga immunosuppressed sa kabuuan. Sila ay mapoproteksyunan pa rin laban sa polio, tigdas, at rubella sa pamamagitan ng kalidad at mataas na bilang ng mga mababakunahan sa kampanyang ito.