01/04/2025
How Not to Talk to Your Doctor (And What to Say Instead)
(a friendly guide for better healthcare conversations)
❌ (nagsend ng picture ng laboratory - walang context)
✅ “Doc, ito po yung results ng laboratory ko. Tanong ko lang po kung kelan ang availability niyo para magpa-consult, ipapabasa ko po sana ito”
💡Hindi sapat na may lab results lang — kailangan itong i-connect sa nararamdaman ng pasyente. Kaya mahalaga pa rin ang consultation (interview at/o physical exam) para ma-interpret nang tama ang findings.
❌ “Doc, pa-reseta ng antibiotic.”
✅ “Doc, may ubo po ako. Magpapachek up po sana ako kung anong gamot ang kailangan ko"
💡Hindi lahat ng sakit ay kailangan ng antibiotic. Kung hindi bacterial ang pinanggagalingan, walang effect ang antibiotic. Tignan muna natin kung bacterial ang cause ng inyong sakit - magpa-consult for proper diagnosis and management.
❌“Doc, pa-reseta naman ng gamot sa sakit ng dibdib (or any single symptom)”
✅ “Doc, minsan sumasakit dibdib ko, magpapa-check up po sana ako”
💡Ang pag-rereseta ng gamot ay hindi lamang based sa iisang symptom. For example, ang sakit sa dibdib ay pwedeng maraming cause - GERD? Heart attack? At magka-iba ang gamot at management dyan.
💡Ang pag-reseta sa gamot ay individualized o natatangi para sa particular na pasyente. Nakadepende sa maraming factors at hindi ito basta-basta. Kailangang ng masinsinang usap sa pasyente para malaman ang maraming bagay tulad ng:
● Edad
● Kasarian
● Disposition noong oras ng konsulta
● Vital signs
● Uri ng sakit o karamdaman
● Iba pang sintomas
● Mga dati nang nainom na gamot
● Mga iniinom na gamot sa kasalukuyan
● Comorbidities o ibang sakit
● Allergies
● Physical examination
● Presyo ng gamot at kakayahan ng pasyente na bilin ito
● Availability ng gamot
❌ “Doc, pahingi ng medcert. Lagay niyo 2 days rest. Palagay nalang Migraine, tapos kahapon yung date ”
✅ “Doc, masama p**iramdam ko mula kahapon. Pwede po ba ako makahingi ng medcert kung kailangan?”
💡Ang medical certificate ay isang legal document. Kailangan muna naming ma-assess ang kalagayan niyo based sa interview and physical examination para makapag-bigay ng tama na:
- Diagnosis
- Management / Advice / Recommendation
- Days of rest
💡 Ang date ng medical certificate ay kung kelan kayo nagpa-check up.
❌ “Doc, urgent po! Reply asap!”
✅ “Doc, sorry to bother po. May concern lang ako (write concern), kung kailan po kayo available, okay lang kahit di agad.”
💡 Doctors want to help, pero hindi kami available 24/7. Hindi din lahat ng doctor ay tumatanggap ng online consultation. Respectful messages go a long way.
💡Kung emergency ang inyong concern, pumunta na agad sa emergency room para ma-assess agad.
❌ “Doc, p**i reseta nga ng gamot na iniinom ng kapitbahay ko, effective daw eh.”
✅ “Doc, may narinig po akong gamot na iniinom ng kakilala ko para sa ganito. Pwede po ba ako magtanong kung bagay din siya sa akin?”
💡 Iba-iba ang katawan at kalagayan ng tao. Hindi porket effective sa iba, safe na rin sa’yo.
💡Para mabigyan ng tamang gamot, kailangan ng full consultation para makausap kayo nang maayos at mabigyan ng gamot at management na nararapat para sa inyo.
❌ (nagsend ng picture ng rash/signs/symptom - walang context)
✅ “Doc, pwede po ba makuha ang schedule niyo for consultation? May napansin po kasi akong rash, ipapacheck up ko po sana” (send picture for reference)
💡Hindi sapat ang isang picture para mag-diagnose at makapagbigay ng reseta. Kinakailangan ng full consultation para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.
❌ "Doc, pahingi naman ng lab request, yung para sa lahat na, tsaka na ko magpapa-consult pag may result na"
✅ "Doc, gusto ko sana malaman anong mga test ang kailangan ko gawin, kelan po pwede magpa-consult sa inyo?"
💡 Ang lab request ay hindi basta-basta na parang checklist.
Iba-iba ang tests na kailangan depende sa edad, sintomas, history ng sakit, lifestyle, at goals (halimbawa: annual check-up vs. may nararamdamang kakaiba).
Mas safe, mas sulit, at mas accurate ang lab tests kung may consultation muna para malaman kung alin ang kailangan talaga — at hindi lang "lahat na."
❤️ Tandaan: Mas nagiging epektibo ang gamutan kung open at malinaw ang usapan sa pagitan ng pasyente at doktor. 😊